Chapter 7 :)

196 12 0
                                    

Bago ako bumaba ng jeep, hinalikan ako ni Chevy sa pisngi tapos sinabihan niya ko ng magic word. Yung I love you? Ewan ko. Pero kinilig talaga ako. Pero hindi ko pinakita sa kaniya. Pinakita kong balewala lang yung sinabi niya sakin. Kasi nga takot ako. Duwag ako! Ayokong nasasaktan. Ayaw kong umiiyak. Ayaw ko talaga! X((( Kaya ayun. Nakita kong nag-aantay siya ng sagot ko. Pero di ko kayang sabihin na, "Yeah, I think I'm falling for you too". DUH! Kaya tinanguhan ko lang siya tapos bumaba nako ng jeep. Kasama ko si Angelo. Kapitbahay ko lang to e. Tapos si Mark at Chevy, magkapitbahay din. Pagkauwi ko, siya pa din laman ng isip ko. Ganitong ganito talaga ako nung unang beses akong nainlove. Nung unang beses akong nagmahal, at nung unang beses akong sobrang nasaktan. </3

( FLASHBACK / TWO YEARS AGO )

1sy year highschool ako nun. Batang bata pa diba? Pero may puso nako nyan. Kaya marunong nako magmahal at mainlove. At nainlove nga ako. Kay Dominique Roque. Kaklase ko yan nung first year. Sa Stateville Academy. Private school yun. At Campus heartrob siya nun! Alam niyang crush ko siya. Kasi nakita niya sa autograph notebook nung classmate ko. Tapos bigla siyang nagconfess sakin. Dahil sa gusto ko siya at ramdam kong mahal ko talaga siya, naging kami. Sinagot ko siya agad. Dahil magkaklase kami, lagi kaming nagkikita at nagkakasama. Masaya kaming dalawa. Hanggang sa may transferee. Si Mara Aquino. Maganda, sexy, flirt, bitch. At inagaw niya si Dom sakin. Nilandi niya. At ako? Naiwan. Naging sila. At napilitan akong lumipat ng ibang school. Dito nako sa Imus National Highschool ngayon. Public nalang. Kasi hindi ko kayang sakyan trip ng mga taga private. Masyadong pa-sossy! Not like what I am. Kalog, Loko, GAGA, at isang malaking PASAWAY. Masyado kong dinamdam yung pagbrebreak namin ni Dom. Aga kong naging PBB TEENS no? :DD Well, experience din yun. Kaya start nun, hindi ko hinayaang mainlove ulit ako. Nilayo ko ang sarili ko sa mga lalaking nagkakagusto sakin. Kaya naman, naging ganito ako. Tapos ngayon? Another HEARTACHE na naman! Kailangan kong gumawa ng paraan para makalusot sa nagbabadyang pagdurugo ng puso ko. At sana tama ang naiisip kong solusyon.

Young, Wild, && Free. \m/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon