Chapter 2 :)

367 13 0
                                    

Sigawan ng mga kaklase ni Jerlyn ang pumuno sa room 26.

Nakatingin lang siya kay Chevy.

Blangko ang expression nito! Bakit?

Hinayaan lang niyang namnamin nito ang bawat katagang sinabi niya.

"Oo, kami na ni Chevy Falcon".

Ano bang kalokohan ang sinabi niya? Pero wala na. Nasabi na niya.

Touch move na! Pinagbabatukan si Chevy ng mga tropa niyang lalaki.

Lumapit naman sa kaniya ang mga tropa niyang babae.

"Jerlyn, ayos ka ah? Matapos mong murahin, sasagutin mo din pala", sabi ni Babylyn.

"Gago eh! Hilahin daw ba headset ko? Yaan mo na. Trip lang naman", sagot ko.

"Nakanang. Bagay naman kayo ni Chevy eh! Kung magpapaka-ayos ka lang", sabi naman ni Dea.

Binatukan ko si Dea.

Gagang to! Ako pa daw may mali? Well. Alam kong GAGA talaga ako. Who cares?

Ganito ako eh. Tanggapin niyo na lang. Wala din naman kayong magagawa. :P

"Alam mo namang may depekto ako. Paki ko kung matino yang si Chevy? Hanggang 3 weeks lang kami niyan sa lagay ko", balewalang sabi ko sa kanila.

Napa-"OOOH" silang dalawa. Problema ng mga to? -_______-

"Palagay ko, tatagal kayo niyan ni Chevy. Kita mo naman, dead na dead yan sayo!", si Dea.

"Paki ko naman sa nararamdaman niya? Basta. Go with the flow lang. K?", sabi ko naman.

Tumahimik na din silang dalawa sa kakatanong. Saktong pasok ng next teacher namin.

Si Mrs. Arevalo. Values teacher ko.

Katabi ko si Angelo. Pero wala siya. Nasa harap sila ni Mark e. So, vacant yung katabing upuan ko.

Biglang may tumabi.

Paglingon ko,

si Chevy.

Hinayaan ko lang.

Sinalpak ko ulit yung headset ko. Soundtrip ulit.

Hinawakan ako ni Chevy sa braso.

Napatingin ako sa kaniya. Nagtatakang tingin.

May sinasabi siya.

Hindi ko naririnig. Naka maximum volume kasi MP3 ko.

Tinanggal ko yung headset.

"Makinig ka muna. Wag ka muna magsoundtrip".

Sabi ni Chevy.

Uhmm, Boss ba kita? Sa isip ko. Pero sinunod ko pa din siya.

Kasi Boyfriend ko na siya starting today.

August o8, 2o12.

Tinago ko yung MP3 ko sa bag. Umayos ako ng upo. Pinakinggan si Mrs. Arevalo kahit antok na antok ako. Sige lang. Lecture. Lecture. Lecture. Lecture. Nakakatulig!

Natapos ang klase ni Mrs. Arevalo. Wala akong naintindihan. Paano ba naman? Lumilipad yung utak ko. At sino ang laman? Etong nasa tabi ko. -----> Chevy Falcon.

At bakit?

Wala lang.

Curious lang ako.

Kung talaga bang kami na. Kahit sakin na nanggaling na kami na, di ko pa din sure.

Young, Wild, && Free. \m/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon