Hindi pumasok si Chevy.
Bakit naman kaya?
Wala naman siyang sakit kahapon e.
Nung umuwi kami, nag-usap kami ng masinsinan.
Sinabi niyang kung hindi ko pa daw siya mahal, hahayaan niya lang daw yun.
Aantayin niya daw yung time na matututunan ko siya mahalin.
Ang hindi niya alam, mahal ko din siya, mahal na mahal.
Pero hindi ko agad sinabi. Hindi ko pa kasi alam e.
Hindi pa buo yung tiwala ko ulit sa mga lalaki.
Natatakot akong masaktan at maiwan kaya nga FLiNG-ERA ako diba?
Gusto ko lang ng flings. Dahil ayaw kong pumasok sa isang RELATiONSHiT!
Pero SHiTness ba tong samin ni Chevy Falcon?
At mahal niya ba talaga ako? Ewan ko!
Nung pauwi na kami nila Angelo at Mark, nakita ko si Chevy!
Saan?
Pumasok sa isang restaurant!
Sino kasama?
Isang babae.
At maganda ang babae.
Nakita kong hinalikan ni Chevy yung babae! >,<
Bigla akong nanghina.
Hindi ko pinahalata kila Angelo at Mark.
Ngumiti pa din ako! O.o
Kahit deep inside, WAAAAAAAAAAAH!
Gusto kong pumatay! Ng ano? Ng Ipis? Ng Butiki? Kahit ano! Basta mapatay ko! >,<
Deym! It hurts me ouch. (Ano daw?)
Ganito ba talaga pag nabrobrokenheart?
Nabobobo sa english? Anyway, eto ako nagprepretend!
Na?
Na masaya! Na hindi nasasaktan!
Pero?
Ang totoo?
SOBRANG SAKiT TALAGA! </3