At dahil sa nahihiya akong pumasok,
Niyaya ko na lang si Angelo na magcutting kami sa 2 subjects.
After that, uwian na namin.
Tambay lang kami sa canteen.
Nakatingin siya sakin.
Siguro mangha sa ginawa ko kanina.
But who cares?
Gawain ko na naman yun dati pa.
Why the malicious look, Angelo Seguido?
Tanong ko sa sarili ko.
Haaaaaaay! Paano ba to?
Teka nga! Ba't ba pinoproblema ko yun?
Dating gawi. Act as a normal BAD GiRL.
Yeaaaah! Ba't ba ko parang tanga kakaisip dito ng ipapaliwanag ko kay Chevy?
Dahil sa yakap at halik na yun? Nagkakaganito ako?
Dapat nga magpasalamat pa siya dahil ginawa ko sa kaniya yun.
Daming naghahabol sakin nu. Di lang siya.
Natapos ang last subject namin.
Nakasalubong pa namin ni Angelo yung last teacher namin.
Si Mrs. Satsatin.
"Hi Ma'am"!
Bati ko sa kaniya.
Inirapan niya lang ako.
Well, sanay nako sa kaniya.
Di naman ako binabagsak nun e.
Malakas ako dun.
Pagbalik ko sa room.
Napansin kong wala sa upuan ko yung bag ko.
Tinignan ko lahat ng upuan, wala talaga!
Napatingin ako kay Angelo. Nagtatakang tingin.
May nginuso siya.
Si CHEVY! Guess what?
Dala niya bag ko.
Damn this man! Nasa kaniya lang pala. -_______-
Nilapitan ko siya.
Kinuha ko yung bag ko.
Lumabas nako ng room.
"Jerlyn! Cleaner ako. Wait mo na lang ako sa labas".
Sigaw ni Angelo sakin.
Tumango lang ako sa kaniya.
Nag-aantay ako sa labas. Katabi ko si Chevy.
Parehas kaming tahimik.
BIglang may dumaang lalaki.
Si Banjo.
Yung suitor kong isa.
Mayaman, Basagulero, Pogi rin kaso Mayabang din talaga e.
Snob ko lang.
Napansin pa talaga ko.
"Babe, pauwi kana? Sabay na kita".
Sabi niya tapos hinapit niya ko sa bewang.
Dati, enjoy ako sa mga ganitong flings.
Pero ba't parang guilty ako kasi sa harap pa ni Chevy?
Nakiramdam lang ako.
Tahimik lang kasi si Chevy.
Sasagot na sana ako na isabay niya na lang ako pero may biglang nagsalita.
"May kasabay na siya. Ako! ", sigaw ni Chevy kay Banjo.
Binitawan ako ni Banjo.
Hinarap niya si Chevy.
Magkaheight lang sila.
Pero mas malaki katawan ni Chevy kay Banjo.
Nag-giGYM kasi tong Boyfriend ko.
Whatta? BOYFRiEND? Talaga? O.o
Oh well, yun na nga. Starting today.
"Boyfriend kaba niya? Kupal ka ah!", sabi ni Banjo kay Chevy.
Tahimik lang si Chevy pero halatang galit.
Kinabahan tuloy ako.
Namagitan na ko sa kanila.
"May kasabay nako Banjo, next time na lang", sabi ko na lang.
"Wala ng next time Jerlyn! Dahil ako na laging kasabay mo", sabi ni Chevy.
Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siya. Kita ko sa mga mata niya.
At biglang nakaramdam ako ng protection. Dahil sa kaniya?
Oo. Kay Chevy Falcon.
Magsasalita pa sana si Banjo pero naunahan ko siya.
"Wag kana mag-abalang ihatid pako Banjo. Boyfriend ko siya".
Sabi ko. Nakita ko sa mukha ni Banjo ang pagtataka.
Pero umalis na din siya agad nun. Naiwan na naman kami ni Chevy.
Tagal ni Angelo maglinis e.
"Simula ngayon, akin kana. Wala ng iba pa. Nakuha mo?", sabi ni Chevy.
Tumango lang ako.
Buti naman lumabas na si Angelo ng room.