Tumayo si Chevy sa harap ko.
Anong nangyayari dito?
OA nento aa! Badtrip e.
Sapakin ko kaya ulit to?
Bigla siyang lumuhod.
HALA!
Ba't ganto tong kupal na to?
"Jerlyn, tayo na ba talaga?", tanong niya sakin.
Bawiin ko kaya yung OO ko kanina?
Kaso parang may tumututol.
Sino? Ano? Hindi ko alam kung sino at ano e.
Nakakabwiset naman tong nilalang na to.
Hinawakan ko siya sa balikat.
"Tumayo ka nga dian. Mukha kang tanga!", sigaw ko sa kaniya.
Tumayo naman siya.
Magka-eye to eye contact kami.
Parang bigla akong kinabahan.
What the? Ano to? Kelan pako naging ganto?
Dati, wala lang to sakin. Yung mga titig ng isang lalaki.
Yung kiss. Pero pag kay Chevy, parang iba?
Nakatingin lang siya sakin. Nag aantay yata ng isasagot ko.
"OO NGA DIBA?! TAYO NA NGA!", sigaw ko sa kaniya.
Bigla siyang ngumiti. Gusto ko ding ngumiti pero nagpigil ako.
OA ko naman kung ngingiti din ako. Gaya gaya lang?
Hinayaan ko lang siya. Nag antay ng susunod na gagawin niya.
Niyakap niya ko.
Napatingin samin si Pathrish.
Nakatingin lang siya talaga.
Gusto yata neto si Chevy e!
At alam niyo ginawa ko?
I hug Chevy back!
Nakita ko yung shock sa mukha ni Pathrish!
She can't believe na niyakap ko din si Chevy.
Nakita ko din na napasimangot siya.
Hinalikan ko sa labi si Chevy.
Pilya ako e! At trip kong asarin tong si Pathrish kaya ko nagawa yun.
Tapos nun, niyaya ko si Angelo na pumunta sa canteen.
Tutal wala naman kaming teacher.
Narinig kong nagsigawan mga thropa ni Chevy.
"CHEEEEEEEVY! Ikaw na talaga".
"Chevy, hayop ka! Bangis mo".
"Swerte mo men!"
"Lakas tama mo kay Jerlyn tol ah?".
Napangiti ako.
Ngiting-ngiti talaga!
Parang sasabog yung puso ko sa saya.
First time ko lang naranasan tong saya na to.
Pero ang tanong, "PARA SAAN TONG NARARAMDAMAN KONG SAYA?".