Pagbalik namin nila Angelo at Mark sa room, nakita ko si Chevy.
May kausap siyang babae. Kaklase namin. Si Pathrish.
Ba't biglang pumangit para sakin si Pathrish ngayon?
Haggard lang ba talaga siya o ano?
Halaaaa! Baliw na yata ako. Basta bigla talaga siya pumangit sa paningin ko.
Muse kaya namin yun! Kaya maganda talaga siya.
Pero pangit nga siya para sakin. Pangit talaga! K?
Yun na. Napalingon sila sakin kasi ang tagal ko na palang nakatingin sa kanila.
Halaaaa! Eksena ng dalawang to?
Umupo nako sa upuan ko. Binuksan yung bag ko. Tapos nilabas yung notebook ko.
Tapos sinalpak ko ulit yung earphone ko. Sige, soundtrip lang.
Napansin yata ni Angelo na nakasimangot ako kaya umupo siya sa tabi ako.
"Problema mo?", sabi niya sakin.
Ba't ba nakasimangot ako? Parang ang bigat ng mukha ko. -_________-
Hindi ko magawang ngumiti. Nyemas! Ba't ganto? O.o
"Nagseselos ka kay Pathrish at Chevy?".
Napatingin ako sa kaniya.
SELOS? Ano yun? Hindi uso sakin yun.
Pero ba't nga kasi ganito mukha ko ngayon?
Waaaaaaaaaaaaah! Nakakabaliw lang.
"Wala. Di ko gets tong lecture natin. Badtrip nga e" .
Nagmake face pa ako para maging kapani-paniwala.
Pero hindi naniwala si Angelo. Kinulit niya lang ako ng kinulit.
"Gusto mo din ba si Chevy?", tanong niya sakin.
Humarap nako sa kaniya. Kulit din talaga nento eh.
"Hindi nga sabi e".
Nanahimik na si Angelo.
Siguro ramdam na niyang naiinis na talaga ako.
Lumapit sakin si Chevy. Umupo sa katabing upuan ko.
Nakatingin lang siya sakin.
Amp! Naiinis ako sa kaniya. Pero bakit?
"Sabay tayo uwi maya ah?", sabi ni Chevy sakin.
Hindi ako sumagot. Kunwari hindi ko siya narinig.
Nakamaximum volume yung MP3 ko.
Hinawakan niya ko sa bewang.
Halaaaaaaaaa! Ba't ganito?
Parang may iba.