Martes / Tuesday ngayon. Malamang may pasok. Pero ako? Hindi ako pumasok.
Actually, naka uniform ako. Pero hindi ako sa school pumasok.
Nandito ako kila Mae. Yung thropa ko. May session kami ngayon e.
Tagal ko na din di nakapag weeds. 3 weeks na nakalipas.
Tigang na tigang nako sa weeds. Teka! Paano ba ko natuto magweeds?
Yung Kuya Macmac ko kasi, nagwi-weeds yun. Nahawa lang ako.
Alam kong masama to. Pero hindi ko kayang pigilan. Basta! May right time din para tigilan ko kaka-weeds ko. Pero kailan? O.o
Alam niyo naman na walang mapapala sa weeds diba? Nakakasira to ng buhay. Kaya wag niyo susubukan. Wag kayo gagaya sakin. Alam kong patapon na buhay ko. Pero babangon din ako. Kailan? Pag sinipag ako. :DD
"Jerlyn, mag-iisoy ka? Bibili ako e. Papabili kaba?", tanong ni Mae.
"Oo. Bili moko. Isang kaha", balewalang sagot ko.
Mangha yung mga kasama kong lalaki. Daig ko pa sila magyosi.
Nga pala, madami kami dito kila Mae. Karamihan, Lalaki. Ilan ba sila? Saglit. Bilangin ko.
Si Josh, Greg, Marco, Dennis, Ken, Jay, Kris, Jhom, Tristan. Yan sila.
Sa babae naman, si Cheche, Ynah, Kath, Arlene, Emray, Katherine saka Jenny.
Tapos yung iba, di ko na kilala. Mga bagong salta lang yata to dito.
Magjojowa yang mga yan. Puro landi inaatupag e. Puro pasarap sa buhay!
Tsk. Buti pa ako. Ayyy! Wala palang mabuti sa ginagawa ko. Haaaaaay -________-
Gusto ko din naman magbago. Kaso mahirap lang talaga.
Nakasanayan na e. Teka nga muna. Makiki jamming lang ako sa mga to.
Ganda ng tugtugan naman e. Puro rap. Sarap sa tenga! Nabubuhay dugo ko. :DD
Tapos may nagflifliptop battle pa sa kwarto. Astig talaga tong mga batang to! XD
Pagbalik ni Mae, may kasama pala siya. Si Benjie at Coco.
May dala silang isang kaha ng redhorse. Tapos limang kaha ng yosi.
Siyempre may pang pulutan din. Kumpleto rekado. Big time tong mga to ngayon ah.
Nag-ambagan talaga. Buti ako, di pinag-ambag. :"> Ligtas ako. YEAH! XD
Nag-umpisa na yung inuman. Tagay lang. Kain pulutan. Soundtrip. Yosi.
Nakakabangag! Tapos yung iba, nasa kwarto, nagwi-weeds na.
Pumasok ako sa kwarto. Kasama ko si Arlene at Katherine.
Naki-weeds na kami. Waaaaaaaaaaah! Lutang na lutang nako.
Tas humiga ako sa kabilang kwarto. Kasi nahihilo na talaga ako. Wala nako sa sarili ko.
May tumabi sakin. Akala ko si Arlene o kaya Katherine kaya hinayaan ko lang.
Niyakap ako. Hinayaan ko lang. Nakapikit ako. Nahihilo talaga ako e.
Tapos biglang may dumagan sakin. Napaisip nako. Ba't ako dadaganan ni Arlene o kaya Katherine? E pare-pareho kaming babae. Namputsa! Napadilat ako. Si Kris pala! Tinulak ko siya. Shenglot na din pala to. Hindi ko siya matulak kasi ang bigat niya. Ang sakit sa braso! Tinapik ko yung mukha niya. Tapos nagmulat lang siya. Nung napansin niya yung pwesto naming dalawa, bigla siyang ngumiti. Tapos maya maya lang, hinalikan niya ko sa labi. Hawak niya yung dalawang braso ko. Mahigpit na mahigpit. Hinahalikan niya ko! Tangina. Hindi ako makalaban. Hindi din ako makasigaw kasi hinahalikan niya nga ko. Grabe to humalik. Wagas wagasan lang. Iniisip ko din kung sisigaw ako, DYAHE lang. Sasabihin nila, pa virgin pako. Pero yun ang totoo. Virgin pako. 100 %.
Hindi nako makahinga. Shit! Nananakit na din yung braso ko sa higpit ng yakap ni Kris. Hindi ko naman masipa si Kris kasi nadadaganan niya din yung hita ko. Taragis! Hindi na talaga ko makahinga. Biglang bumalabag yung pinto nung kwarto! Napalingon si Kris. Tapos nakita ko nalang si Kris sa sahig. Bulagta! Sinuntok siya ni ---- CHEVY?