Hanggang smack lang ginawa ni Chevy.
At napabilib niya ko dun!
Alam niyang wala ako sa ayos pero hindi niya pa din ako binastos.
Nirespeto niya ko!
Ganun niya ba talaga ako kamahal?
Pero paano naman yung puso kong ayaw masaktan?
Isusuko ko na ba? Ipapakita ko na ba na mahal ko na din siya?
Pero ayaw kong maging talunan.
Na pag alam niyang mahal ko na siya, iiwan niya din pala ako.
At maiiwan na naman ako. </3
Pero hindi ko alam. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
Yung tipong parang ayaw ko na siyang mawala.
Natatakot na naman ako. Na baka maiwan na naman ako.
Pero lalo ko lang pinahihirapan ang sarili ko.
Sa pagpipigil na lalong lumala ang feelings ko para kay Chevy.
Paano ba to? O.o