✓Chapter 1 - Flashback

70.1K 1.3K 55
                                    

Enjoy reading..

*Third Person's POV*

~Flashback~

Masayang naglalaro sa silid ng mahal na hari't reyna ng Diamond Kingdom ang kanilang munting prinsepe at prinsesa habang ang mga katulong ay hindi magkanda uga-ga dahil sa kaarawan ng kanilang nag-iisang prinsesa.

"Happy birthday my dear princess" Sabi ng Reyna sa munti nitong prinsesa at isinuot ang kwentas na may pangalan nito.

Maglilimang taong gulang na ang prinsesa habang ang prinsepe naman ay pitong taong gulang na.

Habang naglalaro ay masaya silang pinagmamasdan ng kanilang magulang.

~boggggggssssshhhhhhh~

Nabigla sila ng makarinig ng malakas na pagsabog na yun.

"Mahal na hari! Sinasalakay po tayo ng mga kalaban"Sabi ng isang kawal.

"Mahal pano ang mga anak natin" sabi ng Reyna sa kanyang Hari.

"Pumunta kayo sa mundo ng mga tao mahal ko iligtas mo ang mga anak natin"Sabi ng Hari.

"Ngunit mahal ayaw kitang iwan dito tutulong ako"sambit muli ng Reyna.

"Mahal kaya ko na ang sarili ko mapapanatag lang ang loob ko pag nasa ligtas na lugar na kayo hindi ko kayang may mawala sa inyo"Sabi ng Hari.

Hindi na nagpumilit ang reyna dahil may mga paparating nang mga kalaban kaya tumakbo na sila at agad na pumunta sa sekretong silid na tanging royalties lang ang may alam at gumawa ng portal patungong mortal world.

"Mom I'm not leaving father here,you should go I'll help father"Sabi ng munting prinsepe habang ang prinsesa naman ay umiiyak na.

"No baby you'll come with us"Sabi ng reyna sa kanyang munting prinsepe.

"No mom you go together with my little sister tutulongan ko si dad dun please mom kontrolado ko naman po ang kapangyarihan ko" naiiyak na sambit ng munting prinsepe at biglang nag teleport.

Walang nagawa ang reyna at papasok na sana sa portal ng may isang misteryosang babae ang biglang sumulpot.

"Kung sino ka man hindi mo makukuha ang anak ko"sambit ng reyna.

"Patawad ngunit kailangan ko itong gawin Mahal na Reyna ang batang iyan ang nakatakda, nakatakdang makapagpapabago ng lahat"Sabi ng misteryosong babae.

"Sino ka? Anong ibig mong sabihin?kung kalaban ka ay hinding hindi mo makukuha ang anak ko" galit na sigaw ng Reyna at nasa likod nito ang prinsesa.

"Patawad"huling sambit ng babaeng iyon.

May bigla itong ibinulong at agad namang nakatulog ang reyna.

Samantala pumunta sya sa prinsesang pumunta sa sulok at umiiyak habang nakatingin sa ina nitong nakahandusay.

"Patawad prinsesa ngunit kailangan ko tong gawin" sambit ng misteryosong babae.

"Ang bad mo bakit mo yun ginawa" sigaw ng prinsesa sa babae.

"Patawad ngunit kailangan ko talaga iyong gawin sa, ngayon hindi mo pa naiintindihan pero darating din ang panahon na maiintindihan mo rin ako.. kinailangan ko lang itong gawin para sa mundong ito at para narin sa kaligtasan mo dahil darating ang panahon na kailangan mong harapin ang responsibilidad na iyong kakaharapin"nakayukong sabi ng misteryosong babae.

Tila naguluhan naman ang prinsesa sa sinabi nito.

"Anong pangalan mo?" Malamig na tanong ng prinsesa sa misteryosong babae.

Natigilan naman ang misteryosang babae ngunit ngumiti rin agad ito..

"Ako si Sofia goddess of all elements"nakangiting sambit ni Sofia..may kinuha siyang pulbos at inihagis sa prinsesa..nang malanghap ito ng prinsesa bigla nalang nagdilim ang paningin nito kasabay ng pagkawala ng lahat ng kanyang mga alaala.

Samantalang binuhat ni goddess Sofia ang prisesa at pumasok sa portal papuntang mortal world.

"Alam kong marami kang pagsubok na kahaharapin ngunit sana ito ay iyong tanggapin at harapin ng walang pag aalinlangan sana'y maging masaya ka mahal na prinsesa hanggang sa susunod nating pagkikita..paalam"sabi ni goddess Sofia at inilapag ang prisesa sa harap ng isang pintuan ng isang bahay.

Nag door bell muna sya at biglang nag teleport at nagtago sa isang kalapit lang na puno at doon nakita niya ang isang lalaking lumabas at nakita ang prinsesa, agad naman itong kinarga ng lalaki at tumingin tingin pa sa paligid bago ipasok sa bahay nila..

"Sana'y wag mong pabayaan ang prinsesa dahil sa pagdating ng panahon, darating ako't kukunin siya dahil sa panahong yun ay kinakailangan na siya ng kanyang mundo" Huling sabi ng misteryosang babae at bigla nalang nawala na parang bula.

______________________________________________


Thanks for reading
Hope you enjoy
_Saranghae_

E L I Z A B E T H D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon