✓Chapter 50 - Back again

23.1K 583 5
                                    

*Winter POV*

Grabeng magbakuran si Lola ha!! Kaya siguro nagustuhan siya ni mamang lolo.. straight to the point eh!!

Natigil ang lahat sa paglalaban ng marinig ang boses ng kanilang pinuno.

"Lucas itigil mo na ito!!" Sigaw ni Lola sa asawa niya..

"Namahimik ka babaeng desperada anong akala mo sakin utusan na susundin lang ng ganun ang gusto mo" galit na sigaw nito..nakita ko naman sa mga mata ni Lola na nasaktan ito sa sinabi ng asawa niya..

"Nagmamakaawa ako Lucas itigil mo na ito, kinukuntrol ka lang nila bumalik kana Lucas, bumalik ka na sakin" umiiyak na sabi nito..sabay lalapit sana Kay mamang lolo.

Pinigilan kong magpatuloy si Lola sa paglapit nararamdaman kong may mangyayaring masama sakanya pag nangyari yun.

Ngunit nagpupumiglas siya sakin kaya nabitawan ko siya..

Bigla siyang tumakbo papunta sa asawa niya ngunit nagpalabas ng lava ball si mamang lolo at agad na ipinatama sa asawa nito..

Tatakbo na sana ako ng pinakawalan na ni mamang lolo ang lava ball..

"Lola!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko nang tatamaan na siya nito..

Natamaan sa braso si Lola..

"Lola!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw nung kambal..Hindi ko na muna inisip kung ano bang koneksiyon ng kambal Kay Lola.

Agad akong tumakbo papunta kay Lola na nakahandusay na ngayon habang hawak ang nalapnos nitong balat sa may braso nito..

Pagkarating ko agad kong inihiga l sa lap ko si lola sakto namang dumating ang kambal..

"La? Anong ginagawa mo dito di ba sinabi na namin na ibabalik namin sa dati si Lolo para magkasama na kayo" naluluhang Sabi ni Justin..

"La! Kapit ka lang ha? Wag mo kaming iwan may magpapagaling na sayo" umiiyak na sambit ni Jasper..

Sa kunting panahon na nakasama ko ang kambal si Jasper ang mas emosyonal sa kanilang dalawa.

Tumingin ako ng masama sa asawa ni Lola.

"Anong klase kang asawa pati may bahay mo sinaktan mo..Ikaw na nga itong nahahasik ng lagim ngunit pinipilit niya paring maniwalang babalik ka sa dati..Isa kang walang pusong tao" galit na sigaw ko Kay mamang lolo.

Magpapalabas na sana ito ng kapangyarihan niya para sakin ng humarang sa harapan ko si Ace.

Bigla nalang nagpalabas ng apoy si Ace..

"Not my kitty" galit na sabi nito sabay nagpalabas ng fire ball..kakaiba itong fire ball na toh dahil may halong red at orange Ito..

Siya itong may sabi na wag masyadong saktan ang mga ito..ngunit ngayon siya pa unang umatake.

Dahil sa bilis ng pagpapalabas ni Ace ng kapangyarihan ay agad na tinamaan sa braso ito na ikinalapnos nito ng balat mas malala pa sa sinapit nil Lola kaya namimilipit na ito ngayon sa sakit.

Napabaling naman ang tingin ko kay Lola ng maramdaman kong may inilagay ito sa kamay ko..

Isang.........potion?

"Magagamit mo yan sakanila para bumalik na sila sa dati ngunit iilan lamang ang malulunasan nito, ito pa ' sabay lagay ng isa pang bote' yan ang makakapagbigay lunas sa mga nabiktima ng nakahabawang sakit..pinag aralan kong maigi ang mga pangyayaring ito kaya ako na ang gumawa ng aksiyon di ko naman inaasahan na mahahawa din ako sa sakit na yun kaya may kulang ng isang sangkap ang mga boteng iyan" Sabi nito habang hawak ang napaso nitong balikat.

"Ano po bang sangkap?" Tanong ko dito..

"Dugo.....tatlong patak ng dugo ng isang taong may kakayahang magpagaling o healer" Sabi nito..

Walang pagdadalawang isip na sinugatan ko ang daliri ko at ipinatak ng tatlong beses ang dugo ko sa bawat bote..

Kung iilan lamang ang malulunasan nito pano na yung iba?

Napa-isip ako ng malalim kung ano nga bang posibleng gawin..

Bigla nalang kumulog at kumidlat..

Parang nagkaroon ng light bulb sa ulo ko ng makaisip ako ng paraan..

Ulan kailangn ko itong ibuhos para mahalo sa ulan at bawat patak nito'y lahat ay malulunasan..

Kaya gamit ang air power ko ginamit ko ang air wings ko to fly above the clouds kung saan nakatumpok ang mga papatak ng tubig.

Agad kong hinalo ang mga iyon at pumunta sa iba pang ulap na nakatumpok ang mga tubig.

Ng matapos na ako ay agad akong bumaba ng nakangiti sakanila..sa wakas magwawakas na rin ang paghihirap ng mga mamamayan dito..

Ilang sandali Lang ay umulan ng malakas..

Finally I did it..agad na lumapit si Ace sakin at yinakap ako..

"Thank you kitty" mababakas ang tuwa sa boses nito kaya nakangiting tinugon ko ang mga yakap nito.

Nakita ko ang pagbabalik sa dati ng mga Tao..nagpatuloy ang malakas na ulan hanggang sa makarinig kami ng mga hiyawan ng kasiyahan....

Siguro sa mga mamamayan ito ng bayan kanina na naghihirap sa isang nakakahawang sakit.

Nagbalik narin sa dati ang mga taong Ito na kinukuntrol ang kanilang utak at tumakbo papunta sa mga pamilya nila..

Nakita ko namang nakayakap na Kay Lola ang asawa..gosh ang sweet..

______________________________________________

Keep reading hope you enjoy..

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon