✓Chapter 61 - Escape

23.3K 495 3
                                    

*Winter POV*

"What?" Cold na sabi ko dito.

"Hindi ka dapat nagpapadalos-dalos ng desisyon Winter..tingnan mo nagkukumpulan sila ito na ang tamang panahon para makakuha ng uniporme ng tagapagsilbi" Sabi nito..napabuntong hininga nalang ako at tumango..

Agad na kumuha si Anna ng damit ng isang tagapagsilbi ng Hindi napapansin dahil sa abala ang iba sa pakikiusyoso sa nangyari sa babae.

Ilang sandali ay nagpalit kami at kumuha ng mga pagkaing ihahain sa Hari..

"Ano pang hinihintay niyo..ihain niyo na yan sa Mahal na Hari..Kung ayaw niyong matulad sa babaeng ito" sigaw ng isang kawal..

Agad namang bumalik sa kanya kanyang gawain ang iba habang kami ay sumunod sa ibang tagapagsilbi na papunta na sa hapag kainan ng Hari.

Hope this plan works.

Natatanaw na namin ang hapag kainan ng hari Kaya nagpalinga linga kami Kung saan kami susunod na pupunta.

Nang mailagay na namin ang mga pagkain Wala pa doon ang Hari..maski ang god of darkness ay wala pa.

Nang pabalik na kami sa kusina ng kaharian ay narinig ko ang usapan ng mga tagapagsilbi habang pabalik kami ng kusina.

"Mabuti nalang at makikita ulit natin ang mga mahal natin sa buhay mamaya habang Tayo ay maghahatid ng pagkain sakanila" Sabi ng isang tagapagsilbi.

Tadhana nga Naman..

"Ito na ang oras para mailigtas natin ang mga bihag nila" bulong ko kay Anna napatango naman Ito.

"Kitty were here at the dungeon, be careful there's many battler here" Sabi ni Ace using his mind link.

"We're on our way there" Sabi ko dito bago pinutol ang paguusap namin sa isip.

Nang makakuha na kami ng mga pagkain halos lahat ng tagapagsilbi ay may mga dalang pagkain at Isa na kami dun..

Good thing at lahat sila kasama sa paghahatid ng pagkain para maisama sila sa pagtakas mamaya.

Nakarating kami sa isang madilim na hagdan pababa kaya't kinailangan naming magsindi ng kandila.

Nakarating na kami sa pinaka underground ng palasyo kung saan andun nakakulong ang mga bihag nito.

Marami akong naririnig na iyakan at paghingi ng tulong.

Isa-isa Naman naming nilagyan ng pagkain ang bawat rehas..napansin ko rin na nasa pinakasulok si Ace kaya pinuntahan ko ito at nagpanggap na may ihahatid pang pagkain..upang hindi mahalata ng iba pang kawal.

"Salamat naman at ligtas kang nakarating dito" bulong nitong Sabi.

"So ilang kawal ang narito at nakabantay?" Tanong ko dito.

"It's about 50 plus" Sabi nito..napatango nalang ako..

"Are we all ready?" Tanong ko dito..

"Sort of..kanina pa nga ako nangangating gamitin ang kapangyarihan ko" seryosong sabi ni Ace napangisi naman ako sa tinugon nito..

"Then let's do it" nakangisi kong Sabi..

Saka binitawan ang hawak kong tray kung saan nagbigaw ito ng malakas na ingay na nakapagpaagaw pansin sa mga kawal at sa ibang mga bihag.

"Anong ginagawa mo tagapagsilbi..nais mo bang maparusahan" galit na sigaw ng isang kawal..habang inilalabas nito ang latigo.

Akmang ipapatama na niya sakin ito ng may bumubulusok na meteor ang tumama sakanya at naging abo..nakita naman ito ng ibang kawal kaya sumugod Ito papunta samin.

Ang mga bihag naman ay nagtago sa kulungan nito at ang mga tagapagsilbi ay nasa sulok..at takot na masali sa gulo.

Nakita ko naman ang pagpapalabas ni ama ng isang ice at pinagyelo ang bawat kawal na sumusugod sakanya bago niya ito gawing pira-piraso.

Nakita ko namang magkasama si Anna at kuya Ezekiel na lumalaban sa mga kawal kaya't nagpalabas din ako ng aking elemental power.

Isa Isa kong pinapatamaan ang mga kawal..nilulunod sa tubig, tinatanggalan ng hangin, ipinupulupot sa mga vines, at hinahagisan ng fireball.

Ilang sandali lang ay napatay na namin lahat, agad naming inilikas ang mga bihag at ang mga ginawang tagapagsilbi dahil narinig namin ang mga yapak ng nagmamadaling mga kawal na susugod saamin.

Nang mailikas na lahat ay akma na sana kaming aalis din ng biglang lunitaw sa harapan namin ang god of Darkness.

"At saan kayo pupunta? Matapos niyong itakas ang mga bihag aalis nalang kayo bigla? Parang hindi naman yata patas Yun!" Sabi ni Romer.

Nagpalabas si Ace ng fireball at inihagis papunta sa god of darkness ng kanya itong masangga at nawala ng parang bula ang atakeng yun.

"Too weak for the fire prince" nakangising sabi Romer.

Agad na nagpalabas din ng kapangyarihan si Anna at kuya Ezekiel..sabay nilang inatake si Romer ngunit wala parin itong bisa sakanya.

Nagpalabas naman ako water ball ngunit nasasangga lang niya ito.

I made an invisible spikes at ipinatama sakanya but damn his really strong kahit na abala siya sa pagsangga ng mga inihahagis na mga atake sakanya he was able to dodge it.

Gosh what to do?

______________________________________________

Hi again guys..

Sorry, nagka problema lang sa pag-edit..

And I'm sorry about sa mga wrong grammars, spelling, and typos na mababasa niyo..

Tao lang rin ako nagkakamali.

Thanks guys.

Love ya all

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon