✓Chapter 12 - Haven Acre World

34.1K 796 31
                                    

*Winter POV*

Whaaaaaaattttt.......

"Are all of you allowed to have that thing your God's and Goddesses right?" Takang sabi ko kay Goddess Samantha.

"Oh..hehe right pwede naman princess parang katulad niyo rin kami may feelings na nararamdaman sa isang tao hehe.." paliwanag ni Goddess Samantha.

"K" Nasabi ko nalang..

Magsasalita na sana si Goddess Samantha ng biglang magsalita si Goddess Sofia.

"And I'm Sof-" pinutol ko na ang pagsasalita niya ng akmang magpapakilala ito..

"Goddesss Sofia the goddess of all elements" bored kong sabi.

"Hehehe sabi ko nga alam niya haha" awkward niyang sabi..habang napapakamot nalang sa batok nito.

"So shall we start the training?" Bored na sabi ni God Tyrone.

Tumango lang ako..

"Are you ready princess?" Nakangiting tanong ni Goddess Sofia.

"I'm ready" taas noong sabi ko.

*Ace POV*

Tatlong buwan na nung hindi ko na nakikita si Winter maski sa school na pinasukan namin sa mortal world hindi na siya pumapasok heto kami ngayon nakauwi na sa Haven Acre World.

Ang Haven Acre World ay mundo ng mga taong may kakaibang kakayahan na hindi kayang gawin ng mga mortal na tao.

Mga kapangyarihan na dito lang nag e-exist sa mundong ito. Pinangalanan itong Haven Acre dahil sa dalawang magkasintahan. Si Haven ay isang simpleng dalaga na naninirahan dito sa mundong ito.

Masayang namamasyal sa Forbidden garden ang dalaga ng may nakita siyang ginoo na nakahandusay at si Acre iyon. Kanya itong tinulungan at inalagaan habang hindi pa ito nagigising.

Nang magising ang ginoo dun niya nasilayan ang isang magandang dilag, na buong buhay niyang hindi pa nasisilayan. Lumipas ang mga panahon at kanya itong naging kaibigan hanggang sa nagkaaminan at  naging magkasintahan ang hindi nila alam ay si Acre ang pinaka makapangyarihang light user ang gumawa ng mundong ito.

May naganap noong digmaan sa Diyos ng mga masasama at Diyos na gumawa ng mundong ito hindi matanggap ng Diyos ng masasama na napa ibig ni Acre ang babaeng kanya ring iniibig kaya nung matalo ni Acre ang mga kalaban isinama niya si Haven sa kanyang paraiso at namuhay ng payapa at masaya kasama ang kanyang iniibig.

Yun ang whole story .
Anyways balik tayo kay Winter.

Bago kami umuwi dito pinuntahan muna namin si Winter sa bahay nila.

~flashback~

"Tao Po!!! Tao Po!!" Kumakatok ngayon si Marianne sa pintuan nila.

May lumabas na babae na kapitbahay pala nila.

"Ay nako mga ineng wala na ang may ari ng bahay na yan nung isang araw bigla silang sinugod ng mga di kilalang tao at walang awa silang pinatay ngunit balita ko may nakaligtas pang isang anak" Sabi ng ale.

"Eh si Winter ho! Kilala niyo ho ba siya? Isa ho ba siya sa mga napatay?" Naiiyak na sambit ng ate ko.

"Nung gabing bago nangyari ang patayan sa bahay na yan may narinig akong sigawan tapos mga tunog na parang may pinag tutulungan silang bugbugin tapos nung lumabas ako nakita ko si Winter nakahandusay sa harap ng bahay nila may sugat sa noo ewan ko kung patay na siya nun parang di na kasi humihinga pero sigurado akong siya yung pinagtutulungan ng mag iina na yon." Mahabang paliwanag ng ale.

Doon na naiyak ang ate ko.
Inaalo naman siya ni Ezekiel if I know may halong kilig yan crush kasi niya si Ezekiel.

"Nakita ho ba ang bangkay niya?" Umiiyak na tanong ni Lyn Rose.

"Hindi nakita ang bangkay niya may posibilidad na buhay pa siya, may posibilidad din na patay na dahil may nakakita nun na inaatake siya ng mga hindi kilalang tao na nakahood" Sabi ng ale.

Mga lalaking nakahood? Is it possible? Pero tao siya?

"Sige po maraming salamat" Sabi ni Vince.

Umuwi kaming tulala at walang imik..maski sa loob ng sasakyan napakatahimik.
Pagka-uwi namin sa bahay na tinitirahan namin dito sa mortal world may liwanag na lumabas ang gumuhit na parang letra.

~paparating na ang nakatakda~

Seriously ganyan kaikli....

Ang bongga panaman ng entrance nun.

~end of flashback~

Simula nun hindi na namin siya nakita.

At napagpasyahang umuwi dito sa mundo namin dahil di magtatagal parating na ang itinakda, ang aking prinsesa.

______________________________________________

Magkikita na Kaya sila ng prisesa?
Sino Ang prinsesa?

Abangan.....

Thanks for reading my story guys..
_Saranghae_

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon