✓Chapter 7 - Wierd Feeling

38K 1K 46
                                    

*Ace POV*

Pagkatapos nung scene sa cafeteria sinundan ko ang nerd na toh..baka magbigti eh!

Simula nung nabaling ang mata ko sakanya hindi ko maiwasang hindi siya titigan.. she's so mysterious o the point that I want to know something from her..she caught my attention.

I'm Ace Ethan Ferno the Fire Prince of Ruby Kingdom I know na pinakilala na ako ng magaling kong ate but I want to personally introduce myself.

Nakita kong huminto siya sa isang garden at naupo sa ilalim ng puno..nagtago ako baka makita pa niya ako.

Mula sa aking kinatatayuan nakita kong nagkaroon bigla ng emosyon ang kanyang mga mata di ko alam kung bat ako nasasaktan dahil sa nakikita kong nasasaktan siya ngayon bat parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko.

Nakita kung may pumatak na luha sa kanyang mga mata..damn she's  hurt..magpapakita na sana ako ng bigla siyang kumanta.

Ang ganda ng boses niya an angelic voice indeed..sa tingin ko kahit sino mang tao ang makakarinig nito ay mamamangha at mapapa ibig sa boses nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti..
Did I just smile.

~dug-dug~ ~dug-dug~ ~dug-dug~

Bakit ganito ang nararamdaman ko ang weird sa prinsesa ng Diamond kingdom lang dapat ako makakaramdam ng ganito..what's happening to me?

Bata palang kami ay ipinagkasundo na kami ng aming mga magulang..and bata palang kami mahal ko na ang prinsesa ko.

Hindi ko talaga mapigilang ngumiti pagkatapos niyang kumanta..that was an amazing voice I've ever heard in my whole life..nakapikit pa siya kaya lumapit ako sakanya.

Minulat niya ang mata niya at nakita niya akong nakangiti.

"Nice voice huh" nakangiti kong sabi sakanya.

Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng emosyon niya balik sa dati..cold and expressionless.

"Don't hide the pain that you've been carrying right now it's no use" seryosong sabi ko sakanya.

"Don't talk as if you know what I feel right now" cold niyang sabi.

"I know but pwede mo namang ilabas kung ano man ang kinikimkim mo ngayon...I can be your shoulder to lean on" nakangiti kong sabi.

"Thanks....but no thanks" cold na sabi niya.

Tumayo na siya at akmang aalis ng hawakan ko ang kamay niya...Ang lambot.

"Wait..What's your name?" tanong ko sakanya.

"Winter Eliza" cold niyang sabi at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Natigilan naman ako sa aking narinig..did she just say Winter Eliza.

"Winter Eliza?" tanong ko ulit say kanya.

"Yes" bored niyang sabi tsaka kinalas ang pagkakahawak ko sakanya tsaka umalis na...naiwan naman akong nakatulala.

Winter Eliza ba talaga ang pangalan niya..why they have the same name as the Diamond princess?

Is she the long lost princess?..I better find out..

*Winter POV*

Tss..Ang gulo ng lalaking yun parang nasapian ng masamang espirito kung makangiti eh pag nakikita ko nga yan eh expressionless at cold sa mga taong nakapalibot sa kanya.

Haayy...these upcoming Saturday na ang 18th birthday ko at monday ngayon..kung andito lang sana si dad siya sana ang first dance ko.

Dad kung nasaan ka man ngayon sana masaya kana dyan...sana narito rin ang totoo kong magulang.

*Third Person's POV*

Samantalang sa isang silid naroon ang mag-asawang nangungulila sa pagkawala ng kanilang kaisa-isang prinsesa.

Ang Hari at Reyna ng Diamond Kingdom.

Si Queen Chloe and King Clint.

"Mahal kamusta na kaya siya? Nasa maayos kaya siyang kalagayan malapit na ang kaarawan niya..Sana ay naprotektahan ko siya noon, di sana siya nawalay satin ngayon..Ano kayang itsura niya ngayon? Kamukha ko kaya siya?" naiiyak na sambit ng Reyna sa hari

Lumapit si Haring Clint sa kanyang Reyna at itoy hinagkan.

Nung araw na sumiklab ang digmaan natalo nila ang mga dark users at nang hanapin ng Hari ang kanyang Reyna ay agad niya itong pinuntahan kasama ang prinsepe nito sa kanilang sekretong silid at nakita nila ang Reyna na nakatulalang umiiyak sa kawalan.

Dun nila nalaman na kinuha ng misteryosang babae ang prinsesa at nasisigurado ng Reyna na dinala ito sa mundo ng mga tao.

"Mahahanap din natin siya Mahal" pag-aalo ng Hari sa Reyna simula kasi nung araw na yun naging cold ang reyna at umiiwas sa mga nakakasalamuhang tao maliban nalang sa mga royalties, at sa pamilya nito.

"Mahahanap din nila ang prinsesa natin" Sabi ni haring Clint sa Reyna ito.. napansin naman niyang nakatulog na ito habang yakap niya kaya't kinarga niya ito at dinala sa kanilang silid.

______________________________________________

Mga silent readers Jan!! Mag-ingay naman kayo..

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon