✓Chapter 21 - Princess?

31K 713 14
                                    

*Winter POV*

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa natuklasan ko.

Talaga bang ako ang prinsesa?

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

May halong saya at lungkot.

Saya dahil nalaman ko na kung sino ang mga magulang ko ang pamilya ko.

Lungkot dahil darating ang araw mawawala na naman ako sa tabi nila.
I know what's the meaning of what the book of secret said..it's about sacrificing something towards others.

Andito parin ako sa loob ng forbidden garden..nais kong mag liwaliw muna bago bumalik sa dorm.

Inilublub ko ang mga paa ko sa tubig..tsaka nag umpisang mag hum.

Nakadress parin ako at napaidlip..nagising ako ng biglang may maliit na kamay ang tumutusok sa pisngi ko isa palang fairy yun napatingin ako sa paligid, malapit na palang mag-umaga.

Hindi ko man lang napansin ang oras.

Siguro mga 5 AM na kaya tumayo na ako at aalis na sana ng may marinig akong boses na nasa likuran ko lang.

"P-princess ikaw na ba yan?" Tanong ni Ace.

Natigilan ako sa taong nagtanong sakin..I know this familiar voice..I've heard it a thousand times..I miss him..

Yes! It's Ace..pero anong ginagawa niya dito?

Hindi ako humarap sa kanya bagkus ay sinagot ko na lamang ang tanong niya.

"Oo ako nga" cold kong sabi saka tumalon sa tubig.

Palihim kasi akong gumawa ng portal sa tubig ng hindi niya napapansin.

Hindi ko ipinakita ang mukha ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niyang ako ang prinsesa.

Patawad ngunit kailangan ko munang ilihim ang pagkatao ko..para sa kaligtasan niyo at ng nakararami.

*Ace POV*

Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwalang nakita ko na ang prinsesa ngunit bakit hindi niya ipinakita ang mukha niya..bakit umiilag lang siya sakin?

Siguro ay may dahilan kung bakit niya ginawa iyon..

~flashback~

Nagising ako ng madaling araw hindi na kasi ako makatulog kaya nagpasya nalang akong pumunta sa lugar na palagi naming pinupuntahan ng prinsesa ko.

Ang forbidden garden.

Simula nung magkakilala kami ito na ang lugar na naging tagpuan namin.

Minsan nga umaalis ako ng palasyo ng hindi nagpapaalam para lang makapunta dito.

Kahit mga bata pa kami ng prinsesa alam kong sa sarili ko na mahal ko na siya sobra rin ang tuwa ko nang malaman kong ipinagkasundo kaming dalawa.

Ngunit nung nawala siya ay nagbago rin ang forbidden garden mula sa mala paraiso nitong anyo ay napalitan ng dilim at lungkot until unti naring namamatay ang mga puno.

Kaya pagkarating ko nagulat ako sa aking nakita.

Bakit bumalik sa dati ang lugar na ito nandito na ba ang prinsesa?

Agad akong pumasok at pumunta sa tagpuan namin ang Haven's Acre Tree at ang likod nun ay may lake dun kami madalas magkita ng prinsesa ko.

Ang Tree of Eternal Love ito ang lugar kung saan sinagot ni Haven si Acre.

Kaya sagrado ang punong iyan.

Pumunta ako sa likod nun.

May nakita akong babaeng paalis na.

Sigurado akong siya ang prinsesa.

"P-princess ikaw na ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo ako nga" malamig niyang sabi.

Natuwa ako sa aking narinig lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumalon sa tubig at biglang nawala siguro ginamit niya Ang kapangyarihan niya.

Hanggang ngayon ganun parin siya..she loves hiding and I also love to see on her.

~end of flashback~

Anyways good news ito, dahil nasa academy na pala ang prinsesa ng diamond kingdom ang prinsesa ko.

Umalis na ako sa aming tagpuan at pumunta sa dorm naming mga royalties.

Naalala ko rin nung una ko siyang mahalikan haha..that was an unforgettable happenings in my life.

Kahit mga bata palang kami nun para na kaming mga teenager na umiibig haha.

~flashback~

Paalis na siya pabalik sa kanilang palasyo ng hinigit ko ang kamay niya

"Bakit?" Tanong niya habang nakatingin diretso sa Mata.

How I love her eyes it keeps me falling deeper for her.

Mabilis ko siyang hinalikan sa lips smack lang na agad niyang ikinapula.

Susuntukin niya na sana ako ng mabilis akong kumaripas ng takbo.

~end of flashback~

Hindi na ako makapaghintay na makilala siya.

Natapos na akong magayos at papunta na sa room ang mga walangya iniwan ako.

Habang naglalakad ako may narinig akong hiyawan tssk. As always kailan ba titigil ang mga bunganga ng mga babaeng ito nakakarindi na.

Pero may naka-agaw pansin sakin.

"Alam mo bang narito na Ang prinsesa ng diamond kingdom" echosera 1

"Gosh ang ganda pala niya" echosera 2

Dahil sa narinig ko agad akong tumakbo papunta sa office ni tanda.

Agad kong binuksan ang pinto ng office niya.

Pagkabukas ko may nakita akong babae na kausap kanina ni tanda at ngayon ay nakatingin na sakin.

Siya ba ang prinsesa?
Bakit hindi bumilis ang tibok ng puso ko?
Parang pamilyar siya?
Siya yung step sister ni Winter na palaging nambubully sa kanya.

______________________________________________

My gosh..nagpakita na ang prinsesa...

Enjoy reading..

Love lots..
Thank you

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon