✓Chapter 53 - Winter is Gone

25K 566 12
                                    

*Ezekiel POV*

Bigla kaming nakarinig ng pagsabog..kahit may kalayuan kami rinig na rinig parin namin ito.
Agad kami nagtakbuhan papunta sa pinangyarihan ng pagsabog..

'Diyos ko Sana Naman ay nasa ligtas silang kalagayan ngayon'

Habang tumatakbo kami ginamit ni Florence ang kapangyarihan niya na lumipad at pinalutang kami..

Habang lumilipad kami palakas ng palakas ang naririnig naming pagsabog..

Hanggang sa matanaw namin ang fire Phoenix na siyang dahilan ng pagpapasabog kanina..

Nang makababa kami..narinig naming sumigaw si Ace.

"KITTY ILAG!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw nito..

Nakita naming nakatulala si Ace habang nakatingin sa isang direksiyon..

"Oh no no no no..winter no!!!!!!" Naiiyak na Sabi ni Anna..

Nakita namin si Winter na pinana sa dibdib nito at may white portal sa likod nito..nakangiti itong nakatingin kay Ace..

Winter!!!

Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa nasaksihan..

Nakita ko namang umiiyak na ang iba sa nakita..

Nakita ko ring tumakbo si Ace papunta kay Winter ngunit may humaharang dito na mga kalaban kaya kumilos na kami..we show no mercy to the enemies..

Bawat madadaanan ni Ace ay brutal niyang pinapatay..

Maabot na sana ni Ace si Winter ng maging abo nalang itong nakangiti paring nakatingin kay Ace..

No Winter!!! Bakit mo kami iniwan?

Pinatay namin lahat ng kalabang natitira hanggang sa maubos namin ito..

Bigla nalang akong napaluhod at nakatingin kay Ace na ngayon ay tulalang nakatingin sa abo ni Winter..

Napahagulhol nalang ako..Wala na ang tinuring kong kapatid..

Nakita ko namang umiiyak rin ang iba..we all feel the Pain..

Winter bakit sa ganitong Oras ka pa nawala?

*Third Person POV*

Nagluluksa ang magkakaibigan say pagkawala ng kanilang malapit na kaibigan..

Samantalang sa lugar ng kadiliman naman..nagbubunyi ang lahat sa pagkamatay ng kaisa-isang taong inaasahan ng kanilang kalaban..

Nasa isang mahabang lamesa sa palasyo ng kadiliman nag titipon ang mga malalakas na tauhan ng kadiliman..naroon ang sakim na hari at ang pinakamalakas sa kanilang lahat ang God of darkness na binuhay ng Hari ng kadiliman.

Samantalang umuwi ng nagluluksa ang magkakaibigan sa WMA at ibinalita ang nakakalungkot na balita na makakapagbigay ng malaking epekto sa lahat ng mag-aaral doon..

Pumunta sa kanilang mga kwarto ang mga royalties at doon nagmukmuk at palihim na nagluluksa sa pagkawala ni Winter.

Habang si Ace ay pumunta sa Forbidden garden kung saan doon ang tagpuan nila ni Winter magmula nung mga Bata pa sila.

Doon niya inilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal habang yakap yakap ang pinagsidlan ng abo ni Winter..

Naging tahimik at puno ng pagluluksa ang buong WMA sa pagkawala ng Isa sa pinakamalakas at iniidolo nilang tao.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan ay nagluluksa parin si Ace..

Ginugugul niya ang oras niya sa pag-inom ng alak..

"Bro..Tama na yan..Hindi gugustuhin ni Winter na Makita kang ganyan" nalulungkot na Sabi ni Vince..

Maski ang mga kaibigan nito ay nasasaktan sa ginagawa ni Ace sa sarili nito..kung sila ay labis na naapektuhan at nasaktan sa pagkawala ni Winter labis namang nasasaktan ngayon si Ace na siyang nobyo nito..

"Wag niyo kong pakialaman..buhay ko to kaya Wala kayong karapatan" cold at blanko nitong Sabi sabay tungga ng alak..

Simula ng mamatay si Winter palagi nalang itong nagkukulong sa kwarto nito at umiinom ng alak habang yakap yakap ang sisidlan ng abo ni Winter.

Ang mga Mata nito'y naging malamig at blanko at cold makitungo..kung dati cold lang ito..ngayon ay mas naging cold pa, expressionless at napapalibutan ng nakakatakot na aura na kahit na sino man ang makasalubong nito ay nanginginig sa takot..

"Iwan niyo muna kami guys, kakausapin ko lang siya" Mahinahong sabi ni Ezekiel.

Tumango nalang ang mga kaibigan nito at lumabas ng kwarto ni Ace na puno ng mga bote ng alak.

*Ezekiel POV*

"Bro itigil mo na toh!" Nagmamakaawang sabi ko sakanya ngunit nakayuko lang Ito at ilabg saglit lang ay tumungga na naman ng alak.

"Ace don't do this to yourself..Where is the Ace we used to know that Winter used to know?" Galit na sigaw ko sakanya habang mahigpit na nakahawak sa kwelyo nito.

"Susundan ko Winter" Sabi nito sa kawalan at binasag ang boteng hawak niya at itatapan na sana sa may leeg nito ng pwersahan ko itong inaagaw sakanya..

"Hayaan mo na ako kiel, hayaan mo akong sundan si Winter..ang sakit na eh!! Ang sakit sakit" umiiyak na sabi nito sa bisig ko kaya napaiyak naman ako..

It's a second time na umiyak ng ganito si Ace
But mas grabe ngayon..

"Ace may mga nagmamahal pa sayo andito kaming mga kaibigan mo, ang pamilya mo at ang buong Haven Acre World na umaasa rin sayo, kung andito lang si Winter siguradong hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo sa sarili mo" Sabi ko dito..at umiyak lang siya ng umiyak..

"Maghihiganti ako kiel..papatayin ko silang lahat" nag ngingitngit na sabi nito..

______________________________________________

Huhuhuhu winter why????

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon