✓Special Chapter IV - Babies

26K 520 20
                                    

*Anna POV*

Grabe Ayoko nang kumain nun huhu
andito kami ni Angelica at Joanna sa Cr..napansin ko namang dumating ang kambal na si Kiara at Kiana at ilang sandali lang dumating din si Marianne at Lyn Rose at inilabas ang kung ano mang pwedeng ilabas.

"Grabe sumakit ang sikmura ko dun" Sabi ni Kiara.

"Ayoko nang kumain nun" Sabi ni Marianne.

"Anong klaseng pagkain ba yun?" Sabi naman ni Joanna.

"Di na ako ulit kakain nun" naiiyak na sabi ni Kiana.

"Parang ayoko nang bumalik dun huhu" naiiyak na Sabi din ni Lyn Rose.

"Ang pangit ng lasa, buti at hindi sumasakit ang lalamunan ni ate Winter nun?" Sabi ni Angelica.

"Intindihin nalang natin ang buntis" Sabi ko sa mga Ito.

Hay nako pag ako nabuntis ayokong maging katulad kay Winter.

*Winter POV*

Gabi na nang makauwi sila Anna sa kani-kanilang  tahanan.
Ako andito sa banyo ng kwarto namin at nag ha-half bath.

"Kitty!! Please!!" Pagmamamaawa ni Ace sa labas ng banyo.

Kanina pa tong lalaking to..Hindi na ako tinigilan hanggang sa pumasok ako ng banyo.

"Oo na!! Oo na!!!" Balik na sigaw ko dito.

Ilang sandali lang lumabas na ako ng banyo at nadatnang nakahiga na sa kama si Ace at naghihintay sakin.

"Matulog na tayo." Sabi ko dito saka dahan dahang humiga..grabe ang bigat ng tiyan ko..kailangang hawakan ko pa ang likod ko para mainat naman ang mga buto ko sa likod at hindi makuba sa bigat ng tiyan ko.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Ace ang malaking umbok na tiyan ko.

"It's kicking kitty!! The baby is kicking" tuwang Sabi niya.

"May gana ka pang matuwa diyan eh ako ang nasasaktan sa ginagawa ng anak mo sa loob ng tiyan ko siguro may future sa pagiging taekwondo ang anak mo" Sabi ko dito.

Ngumiti lang ito sakin saka hinalikan ang noo ko..as always his habit.

"Sleep now wife! I know your tired" Sabi nito..kaya't napapikit na ako.

~Dream~

Nandito ako sa mundo ng mga tao..hindi ko alam kung bakit ako nandito..nasa gitna ako ng kalsada at di alam kung saan papunta..di alam kung anong lugar..Basta ang alam ko nasa mortal world ako.

Napansin ko namang may paparating na truck sa harapan ko kaya't ginamit ko ang kapangyarihan ko ngunit walang lumabas..

Bakit?

Bakit hindi gumana?

Wala na ba akong kapangyarihan?

Paano?

Nakita kong malapit na sakin ang truck.

No!! Hindi!! No!!!!!

Napamulat ako at naramdamang nasa kwarto kami ng asawa ko.

Napaupo naman ako nakita kong mahimbing na natutulog si Ace..Pawis na pawis ako kaya't napahilamos nalang ako ng mukha.

Anong klaseng panaginip ba yun?

Napansin kong madilim pa kaya bumaba muna ako para kumuha ng tubig sa kusina.

Pagkarating ko agad akong uminom ng maraming tubig na para bang sumali ako sa running.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon