✓Chapter 48 - Grandmother

23.6K 579 0
                                    

*Winter POV*

"Nasaan na ang pinuno niyo?" Seryosong sabi ko maski ang mga kasamahan ko makikita ang galit at awa nila sa mga taong nakikita namin ngayon.. awa sa mga inaabuso at galit sa mga nang-aabuso sa kanilang kapwa.

" N-nasa malaking m-mansion n- na y-yun" Sabi ni Jasper sabay turo sa malaking mansyon na makikita mo agad sa ganda at gara nito..makikitang mayaman talaga ang nakatira dito.

"Let's go" seryosong sabi ni Ace..kaya sumunod kami sakanya.

Habang naglalakad kami papunta sa malaking mansyon na yun..may mga humihingi ng tulong samin, yung ibang bata humihingi ng kahit barya lang..nakakaawa ang lugar na toh..anong klaseng pinuno ang meron sila na pinapabayaan lang sila ng ganito..

Tinulungan naman namin ang mga taong nangangailangan ngunit hindi din kami magtatagal dahil sa kailangan naming makausap ang pinuno nila about sa mga pangyayaring Ito na napapabayaan na niya ang kanyang responsibilidad sa kanyang mga mamamayan.

Napunta kami sa parte ng bayan kung saan nagkakasiyahan sa kalsada ang mga tao at may mga kasama pang mga babaeng bayaran..

Bigla namang may pumunta saaming mga may edad nang kalalakihan.

"Hoy mish botifol dito ka na sha lamesha namin shiguradong magiging mashaya ka shaamin" lasing na sabi ng isang lalaki na nasa Kanan namin..sarap lang sampalin eh no..

"Mga mish anditosh kami halikayo rito ka na shamin" sabi naman ng isang lasing sa lalaking nasa kaliwa namin..

Bigla namang may humawak sakin..yung lalaking unang nagsalita kanina..yucks amoy alak..

Hihilahin na sana ako nito ng may humawak sa kamay niya..

"Touch her once again and I will make sure to send you to death" galit na sabi ni Ace..

Bigla namang napasigaw ang lalaki sa sakit..ginamit pala ni Ace ang kapangyarihan niya dahilan upang mapaso ang lasing na lalaking iyon.

Hinila naman ako ni Ace at itinago sa likod niya napansin ko ring yun din ang ginawa ng iba..

Kaming mga babae nasa likod na ng mga boys na nakapalibot..seni-secure nilang hindi kami mahahawakan or makuha ng mga lasing na lalaki..

Ilang sandali lang biglang nagpalabas ang isang lalaki ng kumukulong putik o tinatawag na lava..ito pala ang kapangyarihan nila no wonder kung bakit parte itong bayan na toh sa Ruby kingdom kung saan apoy ang sumisimbolong elemento dito..

Agad namang nagpalabas ng invisible shield si kuya Ezekiel gamit ang kapangyarihan niya.

"Maghanda kayo once na masira nila ang shield susugod tayo, ilabas niyo na ang inyong mga sandata" Sabi ni ace kaya sinunod namin ang sinabi niya..

Laking pasasalamat talaga namin kay tanda na nakaimbemto siya ng ganitong bagay..

Inisip kong lumabas mula sa kwentas ang sword na bigay mismo ni Sofia goddess of all elements.

Ilang sandali tumulong rin ang ibang mga lalaki sa pagpapalabas ng kanilang kapangyarihan..

Naghanda na kami dahil narinig namin ang tunog ng pag crack ng shield na ginawa ni kuya Ezekiel.

Hanggang sa nabasag ito ay agad kaming sumugod napagkasunduan namin kanina nung gumamit si Ace ng mink link saamin na kung maaari ay wag namin itong masyadong saktan..

Sabagay siya ang magiging susunod na Hari ng Ruby kingdom pinangangalagaan niya ang mga nasasakupan nito..

'Get ready guys' Sabi ni ace using mind link.

Kaya naghanda na kami..

Tinira ng isang lalaki ang shield na ginawa ni kuya Ezekiel dahilan ng pagkabasag nito..

Agad kaming sumugod sakanila..

Lumapit sakin ang lalaki kanina..parang hindi siya yung lasing kanina..naging seryoso ang mukha nito at nakakatakot..

Tumingin Ito sakin ng masama..
Gosh ang creepy ng taong toh..

Bigla siyang nagpalabas ng lava sa kamay, dahil sa hindi ko inexpect ang pagpapalabas  niya bigla ng kapangyarihan ay agad akong nagpalabas ng light shield..

Fuck bakit ito pa ang napalabas ko..baka malaman nilang hindi lang isa ang kapangyarihan ko..

Napangisi naman ang lalaki..kailangan ko na yatang seryosohin toh hindi sila madaling kalaban lalo nat high class na uri ang kapangyarihang gamit nila.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko kung nakita nila kanina ang ginawa ko..I guess wala namang nakapansin except Ace na nag-aalalang nakatingin sakin..

Nagpalabas ako ng baging at ipinulupot iyon sa lalaki ngunit sinunog niya lang ito gamit ang kapangyarihan niya..

Gosh..nag-isip ako ng paraan para matalo ang lalaking Ito..

Water!! I need a lot of water..

Bigla akong nag teleport papunta sa mga tap kanina na humihingi ng tulong samin..

Nakita ko sa di kalayuan ang isang Lola na nasa labas ng isang puno at parang may hinihintay..

Pinuntahan ko agad siya para malaman kung saan ang mas malapit lang na ilog or dagat dito sa lupain nila..

"Lola? Pwede po bang magtanong?" Sabi ko sakanya. Bigla siyang tumingin sakin at at tila nagulat pa Ito..

"Haven *cought* ikaw na ba *cought* yan? Diyos kong bata ka!! *cought* *cought* Saan ka ba nag pupunta matagal *cought* na kitang hinihintay..buti at bumalik *cought* ka" naiiyak na sabi nito habang umu-ubo sabay yakap sakin..did she just say my mother's name or ibang tao lang Yun?

______________________________________________

Hintay ulit ng next update have a nice day..

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon