Chapter 15 : Knowing You (3)

1.4K 38 0
                                    

LEIN'S POV

Mukha akong zombie -.- Pano di ko kinaya yung mga pinagsasabi sa akin ni Arkin. Pinalaki sa France, home school  sya na nagmamanage ng company nila. Buti nalang at saturday ngayon haaay. Bumaba na ako sa kusina para mag almusal.

"Goodmorning Honey!" nagulat ako ng makita kong kumakain kasama nila Mama at Karen si Arkin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Lein anak kumain ka na muna ng almusal. Ikaw naman nahihiya ka pa samin ipakilala ang boyfriend mo, Dalaga ka na talaga anak."

"Hindi ko po sya boyfriend ma." I plainly said.

"Nahihiya lang po sya mama hayaan nyo ide-date ko sya ngayon para di mainit ulo nya" Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to. 

"At kailan mo naging mama ang nanay ko?"

"Anak wag ka namang ganyan. Arkin ikaw na bahala dito kay Lein ah"

"Yes mama :) Narinig mo yun Lein?" bakit parang botong boto si mama dito sa manyak na lalaking to.

Pagkatapos ng magulong pagkain ng almusal sinalubong naman kami ni Choi.

"Bakit magkasama kayong dalawa? Pinagtaksilan mo na ba ako Hanni?" nakakakainis na tong dalawang lalaking to ah. Ang aga aga puro kalandian.

"Sabay kami nagbreakfast ng Honey ko, may problema ba dun?" di naman kadalasan kinakausap ni Arkin tong si Eric ah

"Hoy Arkin! para sabihin ko sayo di ako naiinggit. Nakasabay ko ng maligo si Hanni noh" pwede bang i-mute ang bunganga ng dalawang to. Nakakahiya sa mga kapit-bahay. Sa inis ko naglakad nalang ako palayo sa kanila. 

"Sandali san kayo pupunta?" Narinig kong sumisigaw si Eric mejo nakalayo na rin ako sa street namin at si Arkin nasa tabi ko na agad na naglalakad. Ibang klase pagka stalker netong lalaking to.

Bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"San ka ba pupunta, dito ko pinark yung kotse"

"Kelan ko sinabing sasama ako sayo" ang tigas talaga ng ulo. Hinatak nya parin ako sa kotse nya at may pinuntahan kaming isang malaking bahay.

Bubuksan palang ni Arkin yung pinto may lumabas na na isang foreigner na lalaki.

"Arkin~ <3" pinilit nung lalaki na yakapin si Arkin

"This is my father, Pa this is Lein" ano daw? Papa ni Arkin. Dito pala nahawa ng pagkaweirdo si Arkin.

"Diba sabi mo gusto mo malaman lahat sakin?" tumingin sya sakin. Tumango nalang ako.

Umakyat kami sa secondfloor ng bahay at pumasok kami sa isang kwarto. Isang altar at may nakapatong ng picture ng isang magandang babae.

"Ma I'm home" sabi ni Arkin. Ibig sabihin yung babaeng nasa picture mama ni Arkin. Kwinento ni Arkin na nagkaroon ng malubhang sakit ang mama nya nuong nasa France palang sila. Pero halata ko kay Arkin na mahal na mahal nya yung mama nya at namimiss nya na to ng sobra.

ARKIN'S POV

Umalis na rin kami agad sa bahay ni Papa pagkatapos naming bisitahin si mama. Ilang months na ba akong di nakakapunta dun sa bahay na yun. Nakakamiss lang.

"Bakit hindi ka tumira dun sa bahay nyong yun" nagulat ako biglang nagsalita si Lein.

"Oo balak ko nga eh ang kaso si Papa kasi masyadong attached" 

"Sobrang mahal mo family mo no." 

"Ofcourse, Kaya nga ginagawa ko ang lahat para i-manage yung company na tinayo nila Mama at Papa"

"Ang hirap pala ng ginagawa mo... You've done well  Arkin" bigla nalang hinawakan ni Lein yung buhok ko habang nakatingin sakin

Hininto ko yung kotse at hinawakan ko yung kamay nya. Tinignan ko sya sa mga mata nya at dahan-dahan ko syang hinalikan. 

FLASHBACK

"Anak pag nakilala mo na yung babaeng nagpapasaya sayo, Ipakilala mo sya sakin ah"

"Wala pa namang ganung babae bukod sayo ma"

"Basta aantayin yan ni mama"

-end of flashback-

Ma nakita ko na po siya and her name is Lein Honey

President's Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon