Chapter 17: The Feelings that We Share

2.2K 39 0
                                    

LEIN'S POV

Buti nalang at naging peaceful and Valentine’s day dito sa Barren Senior High School maraming huma hunting kay Arkin na girls pero wala sya … I guess nasaktan ko talaga sya. Nakakalow tuloy ng energy.

“Hannii kooooo!” habang tumatakbo papalapit sakin si Choi at may kasama sya …. Si Karen? O.O

“Hi Ate” habang kumakaway si Karen.

“Oh anong nangyari sa mukha mo Choi?” lumabas na yata yung ugali nito ni Karen, tahimik lang pero nananakit pag galit na -.-“

“Eh kasee Han----” tinakpan ni Karen yung bibig nya

“Ate … Nakalimutan ni Choi lahat nangyari nung mga bata kami kaya pinapaalala ko lang sa kanya ”

“Oo nga pala! diba---” ako rin nakalimot ah. Nagpropose na pala si Choi kay Karen nung grade school. Bakit ba nakalimutan ko na hindi nagkaka gusto si Karen sa iba dahil sa promise nila ni Choi >.< Ayan yari sya.

“Hannnii HEEEEEELP!!”

Pagtapos nun naglibot libot na rin ako sa school. Ang galing talaga ng mga ginawa ng bawat rooms dito … may kanya kanyang booth para sa mga couples. Mukhang nag eenjoy naman ang mga girls… at ang mga boys kaya papabayan ko sila ngayon.

Biglang may humatak sakin sa classroom. Si Ruth at Mae.

“Lein isuot mo to” habang may pinakita sila sakin na red cocktail dress.

“Ah Eh para saan naman yan?” palapit sila ng palapit sakin.

“Bastaaaaa! Kukukuku~ ” binihisan at inayusan nila akong dalawa.

“Pumunta ka sa rooftop ng school Lein.” Seryosong sinabi ni Ruth.

“Bakit? Ano bang nangyayari” ang gulo ah.

“Dalian mo na maguumpisa na yung fireworks”

Hindi ko alam kung bakit pero nagmamadali akong umakyat papunta dun. Wala na akong pakialam sa itsura ko basta pagbukas ko ng pinto sa rooftop… andun sya at nagumpisa na nga ang fireworks display.

“AYAW MO BA?” sumigaw ako para lumingon sakin at tinignan nya nga ako. Naka suit and tie rin sya na may pulang bow tie. 

“NG FIREWORKS? HINDI NAMAN” mukha kaming ewan na nagsisigawan. Hindi talaga sya lumalapit sakin.

“PINIPIGILAN MO RIN BA ANG SARILI MOOOO?” tinanong ko sya.

“ANO SA TINGIN MO HONEY?” nakakunot yung kilay nya.Piglang tumahimik yung paligid.

“Bakit sa tuwing nakikita kita wala akong choice kundi magalit. Ipagtatanggol mo ako pagtapos nun nang aasar ka. Di ko alam kung seryoso ka o pinag titripan mo lang ako. Bakit sumasakit yung puso ko pag nawala ka sa tabi ko?” direretcho akong nagsalita na parang walang tamang word para sabihin ko yung talagang gusto ko.

“I LOVE YOU ARKIN!!”

“Pwede ba akong lumapit sayo?”

“Yes, you may” nagmadali syang lumakad at hinug ako :”<

“How long can I possibly suppress my feelings? Pag ngumingiti ka, pag namumula ka sa hiya, when you’re trying your best. Alam mo ba kung gaano ka ka-cute?” ano ba naming pangbobola pinagsasabi netong lalakeng to :”<

“Sorry for not asking you this earlier but will you be my Girlfriend, Ms. Lein Honey?” napatingin ako sa kanya.

“Yes, I will be your girlfriend and I will also protect you”

“Okay na sana eh kaso lalaki ka talaga” pinipigilan nya yung tawa nya.

“I also LOVE YOU Honey” habang niyakap nya ako ng mahigpit. :”>  will hold on to this feeling forever.

And this is Lein Honey and tinaguriang Demon In Love ng Senior Barren HighSchool at ang tanging secret na natitira ……… well satin satin nalang yun ;)

- END

President's Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon