Chapter 11: The Rival

1.8K 38 0
                                    

LEIN'S POV


Ang peaceful naman ng araw na 'to. Hayy wala na talagang mas sasarap pa kapag andito ka lang sa field at kumakain ng lunch mo. 

"MS. PRESIDENT!" sigaw ni Ruth habang tumatakbo papunta sa akin. Niyakap nya ako.

"Bakit hindi mo naman kami niyaya?" tanong ni Ruth habang binubuksan nya yung lunch nya.

"Tara na kain na tayo" isusubo ko na sana ang isang kutcharang punong puno ng kanin nang biglang may sumigaw sa tapat ng school gate.

"ASAN KA NA MAHAL KOOOOOOO!"


Lahat ata ng estudyante sa school nag-silabasan >.<

"Sino ba yun?"

"Kilala nyo ba yun"

"Infairness ang cute nya ah"

Nag simula nang mag chismisan ang buong school.

Sino ba 'tong lalaking 'to? Iskandaloso ah.

"Papasukin nyo ako, kailangan kong hanapin ang mahal ko!" habang kinakalabog nya yung gate.

"Hoy lalaki! wag ka ngang sumigaw sigaw dito sa school. Estudyante ka ba dito?." habang naka pamewang pa ako.

"Miss Sunget, kaka transfer ko lang dito kahapon. Papasukin mo na ako. May hinahanap lang ako" sobrang persistent din pala nitong lalaking 'to.

"Una ... late ka na, Pangalawa ... hindi ka naka uniform at Pangatlo ... para kang taga bundok! Bumalik ka nalang dito bukas!" nakakairita na 'tong lalaking 'to ah.

Lumayo naman sya ng gate at maya-maya ... he came running at tinalon nya yung gate o.o

"HOY! BALIW KA BA!" anong klaseng lalaki ba 'to -_-" 'tong mga kaschool-mate ko naman na amaze pa .

"Anong kaguluhan 'to?" salamat naman at may teacher din na nakapansin.

"Sir, ako nga po pala si Eric Sander" hmmmm parang pamilyar ang pangalan nya... Baliw ata 'tong lalaking 'to naka saludo pa -_-"

"Oh Eric ... ikamusta mo ako kay pare ah" habang nag ngingitian silang dalawa. Magkakilala pa ata sila -_-"

"Ms. President, show Mr. Sander around school, okay?" aisssshh! bakit kailangan ko pa bang makasama 'tong lalaking 'to.

"Sige po"

Ayun na nga ... nilibot ko sya sa school. As usual sigaw pa rin sya ng sigaw sa hallway kaya ayan lagi syang may batok sa akin. 

Napansin ko rin si Arkin na nakatingin sa amin pero buti naman at hindi sya makulet ngaong araw.

President's Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon