Bi Bestfriend

713 38 6
                                    


"Babes?" tawag ko sa atensyon mo. Lumingon ka't itinaas ang kilay mong may perpektong kurba. Inawang mo pa nang bahagya ang bibig mo para sumagot ng "Oh?"

Letche! Gusto ko tuloy halikan ang mga labi mo. Mala rosas kasi. Nang-aakit.

Ngumiti ako.

Pumayag kang babes ang endearment natin kahit hindi tayo. Naalala ko nang may ibang tumawag sa'yo niyan nagalit ka. Sabi mo ako lang ang may karapatan. Siyempre kinilig ako, umasa.

Hahaha.

Pero tangina lang kasi alam kong nandidiri ka lang sa mga iyon dahil babae sila at ako, pinagbibigyan mo lang kasi bestfriend mo.

Parehas tayo ng gusto. Mahilig tayo sa pink, we're kpop and wattpad addicts, gusto natin pareho ang hello kitty at paborito nating libangan ay ang magshopping. Sa cosmetics tumatagal ang oras natin 'di ba? Higit sa lahat, iisa tayo ng kinaka adikan, minamahal. Adik tayo sa mga abs sa gym. Abs lang depende na sa mukha.

"Wala lang" sagot ko. Umirap ka. Ang sungit mo talaga.

Bi ka. Bisexual. Noong sinabi mo 'yun umasa ulit ako kasi may 50% chance parin na magkagusto ka sa babae. Siyempre kumilos ako no'n. Nagsuot ng mga revealing na damit at naglagay ng kolorete sa mukha. Light lang naman ang mga 'yon pero grabe ang galit mo. Nilait mo pa 'ko nang sobra.

Umiyak ako. Ang sakit eh. Tinanong kita kung para saan 'yung reaksyon mo, wala 'kong nakuhang direkta at saktong sagot. Mas lalo ka lang nagalit. Bakit?

'Yung mga lalaki nga'ng nakakakita sa'kin, pinupuri ako. Bastos man, sinisipulan nila ako dahil may epekto ako sa kanila. Bakit sa'yo ni katiting wala? Kinamuhian mo pa yata ako? Takot ka bang sa'kin lang magkagusto ang mga lalaki at hindi sa'yo?

Bi ba talaga o bakla na?

Almost 3 weeks kitang hindi pinansin o kinausap. Dinedma mo din akong bakla ka! Ni hindi mo ako sinuyo man lang!

Two weeks before prom. Maraming lalaking humiling na maka date ako. I turned them all down. Hinihintay kasi kita. Umaasa parin akong mapansin mo hindi bilang kaibigan lang kundi isang babae. Babaeng ipapareha sa lalaki bilang kabiyak.

3 days nalang prom na. Nawawalan na ako nang pag-asa na yayain mo.

Isang senior ang lumapit sa'kin. I know him. He's the varsity player from Delta! I've watched him play basketball and that was the best game I've ever watched. Ang galing niya. Kumamot siya sa batok at kinagat ang ibabang labi. I had a crush on him when I was on my first year in high school. Crush natin s'ya 'di ba? Oo! Malandi ka kasi. Gusto mo lahat ng crush ko crush mo rin.

Gagawa ka ng moves, kabaligtaran naman ang magiging kalalabasan. Nakaka away mo 'yung lalaki tapos bigla, magiging para akong-- tayong may malalang sakit kasi ni tapunan lang sana ng tingin 'di nila magawa. Tanga mo kasi babes! Ano bang mga moves 'yun?

The guy cleared his throat and knelled in front of me. Napuno ng estudyante ang paligid. Tilian at kalampag kung saan ang pumuno sa lugar.

Namula ako. I have the slightest idea of what he's going to do. Siguro nga, dapat ko nang tigilan 'tong kahibangan ko. We will never be lovers. You will not gonna love me romantically like how I love you this crazy way.

Maraming lalaki ang nagpaparamdam sa'kin pero wala sa kanila ang atensyon ko. My eyes were jailed to this guy I'm always with. The guy with a perfect brushed and drawn eyebrows together with the red lip tint on his lips.

"Can you be my date in this coming prom?" his voice was like a music in my ears. Buong buo. Lalaking lalaki.

I still love you, babes. I promise you, mawawala 'din itong kahibangan ko sa'yo. Pagmamahal bilang matalik na magkaibigan na lamang ang matitira pagdating ng araw.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon