Kamusta na?
Mga salitang iyong ibinigkas sa muli nating pagkikita
Gaano ko mang gustong iwasan ka ay hindi ko magagwa
Madinig lamang ang boses mo, ang pag a-akalang nakalimot na ay mapagtatantong kasinungalingan lang pala
Mahal parin kita.
Nginitian mo ako na parang walang nangyari
Pintig ng puso ko'y hindi nanaman mawari
Pag-asang ikaw ay babalik sa aki'y muling naghari
Sabihin mo lang, hindi na ako muli pang bibitaw ano pang mangyari
Pangako.
Inabot mo ang 'yong kamay upang makipagkamay
Sana'y sa pag abot mong ito ay kasabay ang pagmamahal na dati mo nang ibinigay
Pangako, hindi ko na ito papakawalan pa, huwag ka lang sa aki'y muli mawawalay.
Pagbitiw mo ng kamay ay siyang pagdating ng isang batang napakaganda
Kamukhang-kamukha mo pa nga!
Tinanong kita,"Nagka-anak palang muli si Tita?"
Sa isip ko'y pumasok ang isang napakasakit na ideya
Ngunit pilit ko ding binalewala
Tumawa ka!
Pagdinig lang ng tawa mo'y bigla akong namula,
Para kasing musika,
ang sarap sa tenga.
Mahal nga talaga kita.
"Hindi na. Ito nga pala si Athena, anak ko"
Lahat nang nabuo kong pag-asa ay bigla nalang nagiba
Hindi ako nakapagsalita, tinitigan lang kita
Nang mahimasmasan ay tumango ako't nginitian ka
Ganoon pala kasakit umasa?
Ganoon pala kasakit masaktan?
Tumalikod na ako't hindi na namalayan ang mga luhang sa pisngi ko'y nagpapaligsahan na,
Tila nasa karera...
Kasama ang puso ko na alam kong hanggang ngayo'y pag-aari mo parin.
Ang tanga mo naman kasi, Angel. Ikaw ang may kasalanan!
Huwag kang magreklamo
At tanggapin ang pagkatalo.
Tumigil ako sa pagtakbo--
Nang makaramdam ng pagod
Nagulat nang sa likuran ay may biglang umubo
"Bakit ka umiiyak? Nag-uusap tayo,"
Kumabog ang puso ko
"Bakit mo ako tinalikuran? Balak mo nanaman ba akong iwan?"
Nilingon kita at tinitigan sa mata
Mga matang hindi ko mabasa basa
Galit ba iyan o pangamba?
Natutuwa ka ba?
Isa lang ang maliwanag, iyong nagbabadya sa pag-agos mong mga luha
Bakit? May anak ka na, anong sinasabi ng iyong mga mata?
"Mahal parin kita"
Gusto kong magmura!
Tangina!
Isang musika...
Musika nanaman sa aking tenga
Sinabi mo sa aking wala na ang kaniyang ina
Lasing ka noong nangyari iyon at dahil 'yon sa pagkasira mo noong iwan kita
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ngunit nangibabaw ang saya
Tumakbo ako sa'yo at hinalikan ka
Ipinapangako ko sa sariling hindi na kita papakawalan pa
Ipaglalaban kita kahit kay kamatayan pa
Mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Ficción GeneralEnglish, Tagalog, Taglish Just love. One Shot Poem S. Poetry Flash Fiction etc 💜💜💜💜 HR: #1 Poetry #1 Poem #1 Colletion #1 Compilation