Transferee ka from Manila. At dahil ako ang presidente sa section na napuntahan mo, ako ang naatasang ilibot ka sa buong campus at ituro na din sa'yo ang mga namiss mong lessons.
Sa ilang oras kong pag tour sa'yo, ni isang salita wala kang binanggit. Kung hindi ka tatango ay iiling ka kapag tinatanong kita. You didn't even smile, kahit kaunting taas lang sana ng gilid ng labi mo. Ang gwapo mo pa naman.
Dahil sa mukha ka namang bored at walang interes sa mga lugar dito, giniya na kita sa library. Ituturo ko nalang sa'yo ang mga na miss mo.
Pinahiram ko ang mga notes ko sa'yo. Hindi naman na kasi kailangang ituro ang mga iyon. Self analization ang kailangan, madali lang. Sa Stat kita pinagtuunan ng pansin.
I was impressed. Ang bilis mong nakuha ang mga topics. Malinis mo ding nasagutan ang mga tanong ko. You solved them perfectly.
Humanga na ako sa physical appearance mo. Nadagdagan iyon dahil sa talinong mayroon ka. I'm studious. Ayoko sa mga madadaldal na lalaki and you are not. Obviously. That's good.
You have no friends. And it is because of your own choice.Casual ka lang sa mga kalakakihan.
Maraming girls na nakikipagkilala sa'yo pero ni tapunan lang ng tingin hindi mo ibinibigay. Curious na tuloy ako masyado sa'yo.Imbes na magalit o mainis ang mga babae ay mas lalo ka pa yata nilang nagustuhan. Turn on daw kasi suplado ka.
Tuwing may mag aabot sa'yo na kamay, kilala ko man o hindi, nahahanap ko nalang ang sarili kong umiirap sa kawalan.
Hindi ko na kailangang i-deny sa sarili ko. I like you. Iyon ang nararamdaman ko.
May quiz sa Funda. Nakalimutan ko 'yun kaya hindi ako nakapag review. After recess pa naman 'yun. Hindi na lang ako kakain. Kaya before palang mag break, dumiretso na 'ko sa library.
Pumunta ako sa sec ng mga Accounting books. "Fundamentals of Basic Accounting".
Where are you?
Ilang minuto akong naghanap pero wala akong nakita.
Tiningnan ko ang mga upuan sa labas nitong mga book shelves. Naroon ang mga kaklase ko. Tinag-i-isa na siguro nila kaya 'ko naubusan. Mga wala ding review. Studyante.
Akma na sana akong lalapit sa kanila nang makita kita.Napangiti ako.
Tingnan mo ang epekto mo? Crush na nga talaga kita.
"Hi! Pwedeng maki-share ng libro? Naubusan na kasi ako. Hindi pa 'ko nakakapag-review eh" tanong ko nang makalapit ako sa gawi mo
Ini-angat mo lang ang tingin mo at ibinalik din ka agad sa binabasa.
Mapapahiya yata ako.
Ngumiti ako. Well, silence means yes.
"Thank you" sabi ko at umupo sa tabi mo
Kita ko ang bahagyang pag kunot ng noo mo. Napansin ko tuloy ang kilay mo. Ahit ba 'yan? Gusto kong itanong kaso nahihiya ako, hindi naman tayo close. Perpekto kasi parang sa mga artista. Pati ang mga ilong mo, may lahi ka ba? Ang tangos kasi, hindi ka naman siguro nagparetoke? Tapos yung labi mo, naalala ko 'yung kay Kim Taehyung, may pierce pa. Ang hot.
"Akala ko ba magre review ka?" you asked
Oh goodness!
Natigilan ako.
"You talked!" I said, smiling widly like an idiot
Itinaas mo ang kaliwa mong kilay at umiling-iling. Nahiya ako bigla.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionEnglish, Tagalog, Taglish Just love. One Shot Poem S. Poetry Flash Fiction etc 💜💜💜💜 HR: #1 Poetry #1 Poem #1 Colletion #1 Compilation