Nescafé Stick

190 1 0
                                    

This was made as our presentation into a Wricon in WRAWR, a chat serye themed "Walang kwenta pero may kwento".  Expect the story full of nonsense things and lines. Lol. This piece won as a second place. Well, if you r a WRAWRian, you could possibly relate.

----

Narrator: Tengenenenen… Ang programang ito ay rated SPG na hindi angkop sa mga matatalinong manonood. Kinakailangang may patnubay ng mga tanders na taga hukom ang kinakailangan. Itong serye ay walang kasiguraduhan, walang patutunguhan, walang kinasisindakan! Walang kinikilingan! Serbisyong totoo lamang!

Lyka: Narrator, pa shout out muna sa mga lamokerist d’yan! Hindi sa pagmamayabang pero kahit matalo kayo dito, sana pamilya pa rin tayo MWAHAHHA

Narrator: Okay ka na?

Lyka: ‘Tsaka sa mga mababait na Admins jan lalo na si Admin Pakpak, ganda mo po

Narrator: Tapos na?

Lyka: Shout out din kay—

Eph: Nako Lyka, tumanda nalang lahat mga Admins, ‘di ka pa din nagbabago

Lyka: *nangitim sa hiya*

Narrator: Mayroong tatlong magpipinsan na naatasang bumili ng lola nila ng tig do-dos na kape sa Barangay. San kana, Sitio Iniwan, Pinaasa City. Mas masarap daw kasi Nescafe stick doon kaysa sa sariling barangay nila.

Scar: Welcome to Brgy. San kana, Sitio Iniwan, Pinaasa City. /binasa ang arko/

Lyka: kawawa naman mga nakatira dito. Durog na siguro mga puso nila

Eph: Bagay ka dito Scar. Comflirt mo mga tao dito. Diyan ka naman magaling ‘di ba?

Scar: Anong pinagsasabi mo, ephisians?

Eph: ‘Di ba, nung nag-away kami ni Alexis mybabes, kunyare ka pang pa comfort comfort sa kaniya, ni f flirt mo naman pala.

Scar: Sorry na. Magaling siya e. hehe.

Lyka: Tama na nga ‘yan! Boyfriend ko naman na si Alexis. Wala na kayong pag aawayan

Narrator: Napabuntong hininga nalang ang dalawang winasak ni Alexis

Eph: Tara na nga!

Narrator: Lingid sa kaalaman ng magpipinsan, pagkapasok nila sa arko papasok sa Barangay San kana, Sitio Iniwan, Pinaasa City, may tatlong unidentified creatures ang nakamasid sa kanila. Hindi po audience o judges ang tinutukoy ko dito ah.

Narrator: Sa paglalakad ng tatlo, patungo sa tindahan ng Nescafe stick, may nakita silang karatula na may nakasulat.

Scar: Ang tindahan ng kapeng Nescafe ay nasa tabi ng ikatlong mansion mula rito. Kailangang pumasok sa bawat mansion para pagbentahan ni Aling Ewan.

Lyka: Malapit lang pala e, tara na!

Eph: Pwede bang maiwan nalang ako dito? Parang nakakatakot

Scar: Sis, hindi porket iniwan ka, mang iiwan ka din. Hindi tamang mag higante lalo na’t hindi siya higante. Pandak lang ex mo sis, remember?

Lyka: ‘Wag kang matakot, sinaktan ka niyang walang takot, pasukin natin ‘tong walang takot

Eph: Ah, ok

Narrator: Nang makita nila ang unang mansion, nanginginig man ay unti unti nilang pinasok ang maliit na butas… ng pinto. Naka lock kasi ang main door kaya ‘yung pasukan ng aso ang ginamit nila para makapunta sa loob

Scar: Oh, nakapunta na tayo dito, labas na tayo

Narrator: Akmang bubuksan na nila ang pinto para makalabas nang may malamig na tubig ang dumampi sa mga pisngi nila. Unti-unti silang tumingala hanggang sa makita nila ang isang White lady na maitim.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon