"Bro, amoy yosi ka! Lagot ka pag na-amoy ka ni Sir!" sambit sa akin ng kaibigan ko
Tangina naman oh. Nakalimutan kong bumili ng mentol kanina.
"Hintayin niyo 'ko, bibili lang ako ng mint"
"Huwag na, ma l-late na tayo. May quiz pa naman ngayon!"
Shit, Oo nga pala! Sumunod nalang ako nang tumakbo na sila papuntang classroom. Bahala na!
Nasa 4th floor na kami, kung nasa'n 'yung room namin nang matanaw ko si Sir sa second floor. Terror pa naman ang baklang 'to.
Papasok na sana ako nang may makasabay akong babae sa pinto. Tumatakbo din siya. Walang gumilid sa aming dalawa. Siguro hindi niya rin ako napansin kaya heto kami ngayon, hinahalikan pareho ang sahig.
Nakatagilid siya sa akin hawak ang dibdib ko. Ako naman ay napahiga. Tangina. Ang sakit sa likod!
Tinagilid ko ang ulo ko para makasalubong sana ang paningin niya at saka siya sisinghalan nang ibinuka niya ang kaniyang bibig.
Napatigil ako.
Shit! Ang bango ng hininga niya!
Hinintay kong mag salita siya ngunit ilang segundo na ay wala pa ring lumalabas sa bibig niya.
Bumalik lang ako sa sarili nang marinig ang kantiyawan ng mga kaklase ko.
Agad ko siyang itinulak."Manahimik kayo!" angil ko sa kanila. Ang iba'y nagsi-pasukan ulit sa classroom habang ang mga kaibigan ko ay walang hupay sa pang-a-alaska. Kingina.
Tiningnan ko ng masama ang babae. Tumayo na siya kaya ganoon din ang ginawa ko. Papasok na sana siya nang hilain ko ang kamay niya. Nagulat ito. Mababakas din ang takot sa mga mata niya.
"Wala ka bang sasabihin, babae?!" sigaw ko sa kanya. Napalayo siya. Kita ko din ang pag kunot ng matangos niyang ilong.
Pumasok yata doon ang amoy ng yosi sa pagsigaw ko.
Mas lalo kong hinigpitan ang pag hawak sa braso niya nang hindi pa rin siya umiimik.
"Ginagalit mo ba 'ko?" tanong ko sa kaniya sa mababang boses, ngitngit ang aking mga ngipin.
Halos manginig na ngayon ang mala rosas niyang mga labi. Ang sarap halikan kung hindi lang sana mukhang may sayad ang may-ari.
Gamit ang isa niyang kamay, may hinalungkat siya sa shoulder bag na dala.
Kumunot ang noo ko nang tila may binabasa siya doon.
"Tama na 'yan bro! And'yan na si Sir!" nagsipasukan na sila sa loob.
Hindi ko sila pinansin. Sa babaeng kaharap ko lamang itinuon ang aking atensyon.
"Mmmm!" aniya at ibinigay sa akin ang isang Fres candy.
Tinaas ko ang kaliwa kong kilay.
"Are you insulting me?" I said as I threw my deadliest glare at her. Agad naman siyang umiling ng paulit ulit."Tangina, 'di ka ba marunong magsali--"
Naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Sir sa likod nitong babae.
"Are you harrasing our Transferee named Ms. Griego, Mr. Castillo?" mataas ang boses ni Sir dahilan nang panginginig ng kalamnan ko.
"H-hindi Sir. Inalalayan ko lang k-kasi nagkabanggaan kami" tumingin ako sa babae na busy ngayon sa pakikipagtitigan sa sariling sapatos.
"Really? You may now come inside, Ms. Griego. And you, muntik ka nanamang ma late. Namumuro ka na. Alam mo bang may quiz ngayon? Ilagay mo na ang bag mo sa loob at pumunta ka sa harap. Recite the two meaning of accounting, I taught you!"
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Fiction généraleEnglish, Tagalog, Taglish Just love. One Shot Poem S. Poetry Flash Fiction etc 💜💜💜💜 HR: #1 Poetry #1 Poem #1 Colletion #1 Compilation