I: Paasa

55 4 0
                                    

Isang salitang may limang letra,

Ngunit marami nang napaiyak na binata't dalaga.

Isa akong halimbawa, umasa ako sa taong

Inakalang kong magiging tapat sakin.

Pinanghawakan ko ang kanyang mga salita,

Pero sa huli'y nauwi rin sa wala.

Ang sabi mo sa akin, sa oras na umiyak ako at nakita mo,

Maglalakas loob kang kausapin ako,

Ano man ang isipin nila sa'yo.

Ngunit nang umiyak ako, nasaan ka?

Nanunuod lamang? O sadyang hanggang tingin ka lang?

Nag - antay ako. Nag - antay na hahagurin mo ang likod ko,

At maririnig ko ang boses mo.

Ngunit wala akong napala.

Umasa lamang pala ako sa wala.

(August 13, 2017)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon