XVII: Pasasalamat

9 2 0
                                    

Ang tulang ito,
Na aking binuo,
Ay para sa aking mga magulang,
Na sa akin ay lumalang.


Mahal kong ina,
Maraming salamat po,
Sa pagmamahal, at pagkalinga,
Sa lahat ng patnubay mo.


Sa bawat araw na lumilipas,
Pag - aalaga mo samin ay walang kupas.
Hinding - hindi mo kami pinapabayaan,
Lalo na sa oras na ikaw ay aming kinakailangan.


Papa,
Salamat din po sa'yo,
Sa pagtuturo at pag - aaruga,
Sa lahat ng pagtataguyod mo.


Pasensiya na po,
Kung halos sa lahat ng oras ay pasaway ako.
Atensyon niyo lang naman ang hiling ko,
At ang maging proud kayo.


Ginagawa ko na po ang aking makakaya,
Upang makamit ang inyong hinahangad na diploma.
Sana ay magdulot iyon sa inyo ng saya,
Mapadama at maipakita niyo rin sana.


Mga magulang ko,
HIndi man po ako perpektong anak sa inyo,
HIndi ko man po maitatama ang pagkakamali ko,
Pero sana po maappreciate niyo ang lahat ng paghihirap na ginagawa ko.


(Oktubre 7, 2019)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon