II: Kaibigan

156 3 3
                                    

Kaibigan, binubuo ng apat na pantig,

Na minsan pa'y nauuwi sa pag - ibig.

Ano nga ba ang kaibigan?

Ito ba ang taong nandyan tuwing kailangan mo ng masasandalan?

O ito yung kaibigan na nandyan lamang kapag may kailangan?


Napakaraming klase ng mga kaibigan,

Kaibigang mabait, kaibigang matulungin,

At higit sa lahat, kaibigang maaasahan sa oras ng pangangailangan.

Isa ako sa mga pinagpalang tao sa mundo,

Sapagkat nakatagpo ako ng mga kaibigang totoo.


Sa loob ng ilang buwan ay marami na kaming pagsubok na naranasan.

Ngunit kami ngayo'y mahigit isang taon na mula ng magkakila - kilala,

Heto at patuloy na tumatatag pa.

Nakakatuwang isipin na dahil sa isang simpleng selebrasyon,

Naging isang grupo ng magkakaibigan na kami ngayon.


Mahilig man sila sa kalokohan,

Sa oras ng pangangailngan ika'y tutulungan.

Apat na pantig, may labing isang titik.

Isang babala, wag gagalitin ang grupo namin,

Sapagkat mahihirapan kang kalabanin, ang bawat isa sa amin.


Kami ang klase ng grupo na magulo, maingay, makulit,

At higit sa lahat mahilig sa kalokohan,

Ngunit may magagandang pangalan.

I*****d T***d ang ngalan.


(Sorry, pero ayoko sanang banggitin ang pangalan ng dati kong grupo. Maintindihan niyo po sana. Salamat.)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon