V: Kamusta Ka Na?

38 2 0
                                    


Uy! Kamusta ka na?

Balita ko may bago ka na?

Bagong kaibigan.

Bagong kasintahan.


Andaming bago, ano?

Andaming nagbago sayo.

Maging ang ugali mo.

Na hindi ko inakalang pati ang pagkakaibigan natin ay idadamay mo.


Salamat nga pala sa isang taon.

Naging makulay ang buhay ko sa unang pagkakataong,

Tumungtong ako ng sekondarya.

Salamat sa lahat.


Sa kalokohan, tawanan, iyakan.

Nagpapasalamat ako para diyan.

Sa pagkakaibigang akala'y walang hangganan,

Pero meron palang katapusan.


Salamat at nagkaroon ako ng pansamantalang kaibigan,

Na siyang umalalay, 

Pumrotekta,

At naging sandalan sa mga panahong kinakailangan.


Salamat sa masasayang alaala.

Isama na rin natin ang mga alaalang puro kalungkutan.

Hayaan niyo at hindi ko ito malilimutan.

Kahit pa tapos na ang ating pagkakaibigan.


Ang mga pangako nating "walang iwanan",

Mukhang nawaglit ito sa inyong isipan.

Maging ako na inyong matalik na kaibigan,

Ay nalimutan.


Ayoko nang makipagtalo.

Alam ko naman kaseng hindi ako mananalo.

Baka bigla nanamang magkagulo, 

At sakin nanaman mapupunta ang sisi niyo.


(February 22, 2018)


Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon