XI: Saya

26 2 0
                                    


 Ang saya na kaninang hiniling ko na sana magtagal pa,
Bigla na lamang nawala.
Napalitan ng inis at pagkairita.
Mabilis na nagbago ang nadarama.  


  Animong sa isang kisapmata,
Nawala ang sigla sa kanyang mga mata.
Lungkot ang nangibabaw sa kanyang sistema.
Kay hirap ng ibalik pa.  


 Kailan kaya muling maririnig ang iyong tawa?
Ang tawa mong sobrang sarap sa tenga.
Ang saya sa iyong mga mata.
Hinihiling na sana sa madaling panahon, ay muli itong makita.  


 Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng kaniyang luha.
Lungkot ay binalot na siya.

Halatang hindi na niya kinaya pa.

Lahat ng pasakit sa buhay niya.  


 Bumalik sa pakiramdam niya,
Na parang walang nakakaintindi sa kanya,
Na parang walang nakakaintindi sa nararamdaman niya.
Ang pakiramdam ng nag iisa.
At walang kasama.  


  Nang dahil lang sa sayang muling naglaho na. 


(Disyembre 24, 2018) 


Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon