XVI: Bakit Ba Ikaw?

33 2 3
                                    


"Mula ng aking masilayan,
Tinataglay mong kagwapuhan"
Oo, gwapo ka namang talaga,
Makulit at mabait pa nga.

"Di na maawat ang puso,
Sayo ay magmahal"
Kahit anong pigil ko,
Sa nararamdaman kong ito,
Ikaw at ikaw pa rin ang siyang tinitibok ng puso kong ito.

"Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala wala pa?"
Bawat segundo, na nagiging minuto, at nagiging oras
Bawat araw na lumilipas,
Ikaw ang laman ng aking isipan,
Walang palya, araw araw iyan.

"Kahit na alam ko na ang puso mo,
Ay may mahal na ngang iba"
Masakit? Oo, sobra
Dahil kahit gaano pa kita kamahal,
Alam kong kahit ilang beses pa akong magdasal,
Ay hinding hindi mo ako mamahalin,
Kahit ano pa ang aking gawin.

Ang tanga ko no?
Umaasa ako sa taong,
Walang pakialam sa isang katulad ko,
Sa tulad kong,
Hindi maganda,
Hindi makinis ang mukha,
Maraming peklat sa katawan,
At higit sa lahat, hindi mayaman.

Bakit ba kasi ikaw?
Bakit ba hindi na lang yung iba?
Yung iba na kayang makita ang halaga,
Nang isang tulad kong walang kwenta.
Yung taong kaya akong samahan,
Sa mga oras na wala na akong makapitan.
Yung lalaking mamahalin ako,
Yung lalaking magmamahal sakit ng higit pa sa sarili ko,
Yung lalaking mamahalin ako ng totoo.

Hindi pa ngayon
Pero siguro pagdating ng panahon,
Sa tamang pagkakataon,
Makikilala ko ang taong para sa akin,
Ang taong aking mamahalin,
Hanggang sa ang buhay ko'y kunin na sa akin.
Aking mamahalin,
Maghihintay ako,
Maghihintay sa pagdating mo,
At sa iyong pagdating, sana ako'y sumaya na rin.


(Marso 9, 2019)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon