XVIII: Tanga

10 2 0
                                    

Ako ay may kaibigan,
Athan ang pangalan.
Isang lalaking nagpapakatanga,
Sa babaeng nireject na siya.


Siraulo,
Gago,
Tarantado,
Iyan ang depenisyon ko sa kaibigan ko.


Ngunit sa likod ng maligalig niyang personalidad,
Ay mayroong babaeng matagal na niyang hinahangad,
Ngunit dahil nireject na nga siya
Hanggang tingin na lang ang kanyang nagagawa.


Mahigit isang taon na niya itong gusto,
Ang kaso dalawang beses na nga siyang tinanggihan nito.
Kaso ang loko ayaw sumuko,
Mukhang hindi niya ata alam ang salitang bigo.


Payo ko sayo mahal kong kaibigan,
Wag araw arawin ang pagpapakatanga dahil hindi vitamins iyan.
Ngunit kung desisyon mo talagang mag antay,
Wala akong magagawa kundi ang suportahan ka hanggang tayo'y mamatay.


(Oktubre 8, 2019)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon