IX: Tagu - Taguan

23 3 0
                                    

Tagu - taguan
Maliwanag ang buwan.
Pagbilang ko ng tatlo,
Ay nakatago na kayo.

Sa pagbilang mo ng isa, dalawa, tatlo
Umasa akong hahanapin mo ako.
Ngunit ako'y nabigo,
Dahil una pa lang siya na ang pakay mo.

Masakit? Oo, sobra
Pero heto at patuloy pa rin akong nagpapakatanga,
Mahal nga kasi kita.
Pero bakit?

Bakit hindi mo ako makita? Bakit ba lagi na lang siya?
Ah! Alam ko na,
Ako'y kaibigan mo nga lang pala.

Akala ko nung una'y gusto lamang kita,
Ngunit mali, mahal na pala talaga.
Umasa akong ganon din ang iyong nararamdaman,
Umasa lang pala ako, ang tanga tanga ko nga naman.

Masisisi mo ba ako?
Kung sa ngiti mo pa lang ay nahuhulog na ako?
Paano na kaya kung ako'y iyong kausapin na?
Baka ako'y tuluyan nang manghina.

(Setyembre 11, 2018)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon