X: Pagbabago

23 2 0
                                    


Sexy.
Makapal ang make - up.
Malaki ang dibdib.


Sa panahon ngayon, iyan na ang basehan ng kagandahan.
Sa itsura na tinitignan at hindi sa panloob na katangian.
Nasaan na ang pagiging simple ng mga kababaihan?
Kinalimutan? O sadyang iniwan na sa nakaraan?


Ang mga kababaihan noon, ang pananamit ay pawang Maria Clara ang dating
E ngayon? Kulang na lang pati ang panloob na damit ay hubarin.
Tila nawala na ang kainosentehan,
Kadalasa'y social media na ang may kasalanan.


Dahilan.
Dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
Kung bakit nagbabago ang ating pananaw sa salitang pagmamahalan.
At kung bakit sa pagtitiwala tayo ay nahihirapan.


Sa bawat patak ng luha.
Sa bawat masasakit na salita.
Na siyang nanggagaling mismo sa inyo,
Babae'y unti - unti nang nagbabago.


Kaming mga babae,
HIndi kami isang chewing gum,
Na kapag nawala na ang tamis,
Itatapon niyo na lang ng ganon kabilis.


(Oktubre 12, 2018)

Ang Tula Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon