"KAIRIELLA anak malalate ka na." napabangon agad ako agad sa aking pag kakahiga ng marinig ang sinabi ni mama.
Bawal akong ma-late dahil first day ng klase ngayon at baka mag iba ang tingin sa akin nang mga teacher, sigurado na matraffic din ngayon dahil sa first day nang klase masisipag pa ang mga estudyante pumasok.
"Opo mama gising na po." sigaw ko upang tumigil na si mama sa pag katok sa aking pinto, narinig ko nalang ang yabag na papalayo mula sa kwarto ko na sinyales na wala na si mama.
Mabilis akong nag ayos ng sarili, todo kuskos pa ako ng katawan para lamang matanggal ang libag kahit naligo naman ako kagabi bago matulog.
Ngayon ang unang araw ko sa Cresent Acadamy, isang school na pang mayaman na hindi ko inaakala na makakapasa ako bilang scholar nila.
Sinuot ko na ang isang pares nang uniform ko.
Uniform palang nila ay mahahalata mo nang pang may kaya lang ang pwedeng makapasok, ang Cresent Acadamy ay kilala sa buong lugar namin na pinaka mahal na school at tanging matataas na tao lamang ang may kayang makapasok.
"Kaya mo to Kairiella." pampalakas ko sa aking loob at lumabas na nang kwarto, doon ko napansin na ang tahimik nanaman ng bahay namin.
Dumiretso na ako sa kusina at doon ko nakita sila mama at papa na nakaupo, ako lang ang nag iisa nilang anak kaya naman wala kang makikita na bata dito sa bahay dipende na lamang kung pupunta ang mga tita at tito ko na kasama ang kanilang mga anak.
"Good morning 'pa, 'ma" bati ko at umupo na sa hapag, simple lamang ang buhay namin hindi mayaman at hindi rin mahirap.
Ang papa ay isang manager sa isang branch ng Restaurant at si mama naman ay isang accountant sa bangko, ang pamilya namin ay masasabi mong masaya dahil kahit parehas silang may trabaho ay hindi pa rin mawawala ang oras para mag sama-sama kami.
"Anak, bilisan mo at baka mahuli ka sa klase mo ngayon." paalala ni mama habang nilalagyan nang pag kain ang plate ko.
"Opo mama, mamaya pa naman po ang start ng klase mga 7:30 pa po."
"Mas mabuti nang sigurado lagi Kairiella anak." sabi naman ni papa.
Parehas nang magulang ay hindi mahigpit katulad na lang nang iba na once na only child ka ay sobra kang iniingitan, nag papasalamat na rin ako dahil may kalayaan ako sa bahay namin.
"Ito ang baon mo matutong mag tipid, may nilagay na rin akong baon mo sa bag mo kung sakali man na gutumin ka."
"Opo mama, salamat po alis na po ako." hinalikan ko na sila mama at papa, pumara na ako ng trycycle palabas ng subdivision.
Malayo layo pa kasi kung lalakarin pa at baka malate nga talaga ako.
"Maam pwede po ba na mag sakay pa po nang iba?" Dahil special trip naman ako ay ako lang mag isa ang pasahero.
"Ayos lang po." mahinhin kong sabi, agad na niliko ni manong ang kanyang trycycle at hininto upang makasakay ang dalawang lalaki.
"Sabi ko naman sayo 'tol mag pahatid nalang tayo." sabi nang lalaki, hindi ko gaano makita ang kanilang mukha dahil nahaharangan ito nang bubong ng trycycle.
"Ito na po ang bayad." inabot ko kay manong ang bayad ko at aalis na sana nang mapansin ko na probemado nanaman ang dalawa
Parehas silang nakatalikod sa akin at kitang kita mo ang parehas nilang tindig, ang buhok nilang parehas na nakatayo
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman
General FictionSabi nila pag mag kakambal daw ay maari itong maging mag kaaway o maging mag kakampi. Marami rin nag sasabi na kadalasan sa mag kambal ay mag mamahal sa iisang babae. Marami rin nag sasabi ang mag kambal ay isang mapanlinlang sa mata ng marami. Si D...