Chapter 4

2 0 0
                                    



"Ayan maganda ka na" sabi ng bakla at sinuklayan nang huling beses ang aking buhok

Maganda na ako, simple lang ang aking suot ngayon isang black fitted dress na binili ko nung friday at pinarisan ito ng isang 4 inch na black heels

Mas lalong tumindi ang kaba ko ng may bumusina sa labas, ang sundo ko na sinasabi ni Duke

Agad kong kinuha ang bag at nag paalam na sa dalawa na mukhang kakain pa, nag luto pa si Manang para sa dalawa dahil nakakatuwa daw itong mga kausap

"Mag iingat ka ija" sumakay na ako sa sasakyan, may dalawang lalaki ito doon ang isa na driver at ang isa naman ay mukhang body gaurd

Bakit kaya ang mayayaman ay kailangan pa ng mga ganon, nag sasayang lang sila ng pera pero kung sabagay ang kapakanan lang din nila ang kanilang iniisip

Dahil parehas lang kami ng subdivision ay mabilis kang akong nakapapunta sa kanila, sa labas pa lamang ay kitang kita mo na ang mga ilaw na nag mumula sa loob

"This way maam" sabi ng body gaurd at itinuro sa akin ang daan papasok

Pag kabukas na pag ka bukas ng pinto ay isang malawak na loob ng bahay ang iyong makikita, pero hindi pa iyon ang mismong lugar

Manghang mangha ako sa loob ng bahay nila, ang ganda ng pag kakaayos ng mga gamit at sobrang kintab ng mga tiles halatang halata na alaga ang mga bagay dito

May pinasukan kaming isang pinto at lumabas dito ang isang maingay na tugtog, marami rin bisita na naka suit

Nag paalam na ang bodygaurd at lumabas, nilibot ko ang aking paningin at hindi naman ako nahirapan hanapin ang kambal

Nakita ko si Luke na nakaharap sa akin habang may katabi itong magandang babae at sigurado ako sa aking nakikita

Si Duke, na may ka-akbay na babae

Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kanila, halatang nag kakasiyahan silang apat

"Kairiella" rinig kong tawag ni Luke, wow first time niya akong tinawag lagi lang niya akong tinitigan at hindi nag sasalita

Tumahimik ang kausap nito, at napatingin sa akin kasama na rin dito sa Duke at ang kaakbay nitong babae

Ang kapatid nila

Kinabahan ako ng makita niya ako at tinaasan ng kilay, hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang aura niya sa kambal. Ang katawanan naman nila pang babae ay naka ngiti sa akin

"Ah Hello po" nahihiya kong sabi at kumaway pa, humiwalay sa pag kakaakbay si Duke sa kanyang kapatid at agad na lumapit sa akin

"Si Kairiella Xenix" sabi nito at inakbayan ako, kitang kita ko naman ang pag kunot ng noo ng kanyang kapatid sa sinabi ng kuya niya at sa pag akbay nito sa akin

Ito ba ang sinasabi ni Aishie na ugali ng kapatid ni Duke at Luke

"Elize Sanchez" mataray niyang sabi at inirapan ako bago nag walk-out sinundan naman ito ng babae na kasing tanda lang namin

"Pansensya na sa inasal ng kapatid ko, tara kela mommy ipapakilala kita" pumunta naman kami sa Pwesto ng mommy at daddy niya

Maganda siya katulad ng nasa larawan at ang daddu niya na kahit matanda na ay ang gwapo pa rin

"Ang gwapo ng daddy niyo" hindi ko sinasadyang sabi kela Duke at muhang narinig ito ng mommy't daddy niya

"Ang gwapo ko pa rin talaga" pabiro nitong sabi at ngumiti sa akin, ang mama niya naman ay siniko lang siya at ngumiti

Mr. GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon