"Tara na guys ligo na tayo" excited na sabi ni Aishie at hinubad ang kanya robe, tumambad sa amin ang sexy niyang katawanNaka black swimsuit ito at naka shade, labas na lanas din ang hita nitong mahaba na sobrang kinis nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya
"Hubarin mo na yan Winnie!" At hinablot nito Roba na suot ni Winnie, nakasuot ito ng isang Black na swimsuit na pinatungan ng maigsing short
Hinala naman na siya ni Aishie papunta dagat at doon itinulak
"Punta na ako doon" paalam ko at hinubad ang roba na suot ko at isinampay sa upuan
Makasuot lang ako ng swimsuit na parang jacket at maigsing short, hindi namana ko ang klase nang tao na bunyag na bunyag ang katawan sa harap ng maraming tao
Tumakbo na ako sa kanila at lumusong papunta sa malayo-layong parte ng dagat. Marunong akong lumangoy dahil nag swimming lesson ako dati nang bata pa lamang ako
"Kairiella dalhin mo kami dyan!" Sigaw ni Aishie at pilit na lumalapit sa pwesto ko pero hinahampas lang ito ng alon pabalik sa kanyang pwesto
Muli akong lumasong at pumunta sa pwesto nila
"KYAAAAAAAHH MAY PATING MAY PATING HINAWAKAN ANG PAA KO TULONG!" Umahon ako at tinignan si Aishie, na naiiyak na sa sobrang takot nakita ko naman ang kambal na paparating na sa pwesto namin na mabilis mag silangoy
"Walang pating dito Aishie may lambat doon para hindi makapasok ang mga dikya na pwedeng dumayo " kalma na sabi ni Luke at tinignan si Aishie na parang wala lang
"Tsaka Aishie ako ang humawak sa paa mo kanina" natatawa kong sabi at muling lumusong papalayo
Rinig ko naman ang tawanan nila na tila inaasar si Aishie nakalimutan kong sabihin na hindi siya mahahawakan ng pating kung saka-sakali dahil wala namang kamay ang pating
Mag isa akong lumulusong sa di kalayuan at masayang nag babatuhan naman ng tubig si Aishie at Winnie mukhang di sila marunong lumangoy kaya doon lang sila sa pwesto na kaya nila, na abot nang paa nila.
Lulusong na sana muli ako ng biglang may humawak ng bewang ko. Si Duke nakangiti ito habbang hawak ang bewang ko
"Kaya mo doon?" Sabay turo niya sa kalayuan, tumango naman ako sa kanya at ngumiti
"Doon tayo?" Tinanggal ko sa pag kakahawak niya ang bewang ko at lumayo ng konti
Nakakailang na may humahawak sa bewang ko mas lalo na kung lalaki pa
"Langoy ka tapos dito ako sa likod mo" sabay pwesto sa likod niya at yumakap sa leeg hinawakan naman niya ang braso ko at nag umpisa na siyang gumalaw papaunta sa tinuro niya
Minsan ay sumisisid siya at minsan ay humihinto siya sa pag langoy at may ituturo na parte ng isla sa kalayuan
"Ito ang pinaka paborito kong parte dito sa isla" sabi niya at kumapit sa parang net na nakaharang
Umalis ako sa kanyang likod at pumunta sa net at kumapit rin rito
"Bakit naman dito? Maganda naman sa isla at napakalayo dito"
"Tahimik rito at ang tangin maririnig mo lang ay ang alon, makikita mo rin ang ganda sa ilalim ng dagat. Tara tignan natin"
Maganda naman ang dagat dahil sobrang linaw nito
"Sisisid tayo?" Tumango siya at sumisid, sumabay na rin ako at sinundan kung saan siya pupunta doon nanlaki ang mata ko sa aking nakita
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman
General FictionSabi nila pag mag kakambal daw ay maari itong maging mag kaaway o maging mag kakampi. Marami rin nag sasabi na kadalasan sa mag kambal ay mag mamahal sa iisang babae. Marami rin nag sasabi ang mag kambal ay isang mapanlinlang sa mata ng marami. Si D...