Andrew (Daddy ni Luke at Duke) Point of View"Anong nangyari?" Pilit na pinapakalma nang asawa ako ang umiiyak na si Mrs. Xenix, nandito kami sa isang pinaka malapit na hospital mula sa trahedyang naganap.
Na-bangga nang isang truck ang sinasakyan nilang Van pauwi at nag aagaw buhay ngayon si Duke at Kairiella dahil sa bandang kanila mismo tumama ang harap nang truck.
Ang balita ng mga pulis ay nawalan nang preno ang Truck at hindi sinasadya na sumalpok ito sa Van na sinasakyan nila, ang mga bata ay wala pa ring mga malay ngayon.
Tinawagan na namin ang mga magulang nila upang malaman ang nangyaring aksedente, ang magulang ni Aishie ay pa-uwi na dito sa pilipinas at ang magulang naman ni Kairiella ay nandito na.
"Nabangga ang sinasakyan nila kanina nang isang truck na nawalan nang preno habang pauwi na sila" diretsong sabi nang asawa ko.
Alam kong gusto niya na ring umiyak dahil sa nangyayari mas lalo na't isa sa kambal ngayon ang nag aagaw buhay, hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa E.R. dahil hindi pa nilalabas ang dalawang bata
Malaking pinsala ang natama sa Paa ni Winnie at maari itong hindi makalakad pansamantala. Si Luke ay ganon rin ngunit ang kanyang kamay ay isa rin sa napinsala ng todo, naipit ito nang isang bagay na nasa loob nang sasakyan at si Aishie ngayon na nasa kanyang kwarto. Stable na ang lagay nito dahil hindi ito gaano naipit ngunit ang mga katawan nito ay nag tamo nang napakaraming sugat dahil sa kanya tumalsik ang mga bubog na mula sa sasakyan.
Si Duke ngayon ay nasa loob pa rin mukhang mas malaki ang pinsala na natamo niya mula sa mga kaibigan ngunit mas malala ang kay Kairiella na mismong natamaan nang truck.
"Ang anak ko, parang awa niyo na iligtas niyo ang anak ko" umiiyak na sabi ni Mrs. Xenix, wala nang magawa ang aking asawa sa pag papakalma sa kanila ay dahil mismo ito ay bumagsak na.
Nakaupo ito habbang mahinang umiiyak, nilapitan ko na lamang ito at niyakap doon na lumakas ang kanyang hagul-gol.
Ilang oras na pag hihintay ay lumabas na ang doctor nang aking anak, agad akong tumayo at nilapitan ito.
"Doc anong nangyari sa anak ko?"
"Mr. Sanchez masyadong critical ang lagay nang inyong anak dahil sa malakas na impact mula sa pag kakabangga, ito ay nakatamo nang pag kabali nang buto at pag ka-coma"
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanlambot ang aking mga tuhod, kailangan ko maging malakas para sa anak ko at sa asawa ko pero hindi ko kayang marinig ang mga sinasabi nang doctor.
Nag pasalamat ito at umalis na, napaupo nalang ako sa gilid at tahimik na umiyak ang aking asawa naman ay kayakap nang bunso kong anak na umiiyak na rin ngayon.
Ilang saglit lang ay nakita ko na ang paglipat nila sa anak ko, ngunit hindi pa ako umalis dahil bawal kong pabayaan si Kairiella.
"Sundan niyo na ang anak niyo, kami na bahala sa anak namin salamat Mr. Sanchez"
Inaalalayan na tumayo nang bunso kong anak ang kanyang ina papunta sa kwarto nang kanyang kapatid.
Sumunod lang ako sa kanilang dalawa hanggang makapasok na kami sa iisang kwarto kung na saan ang kanyang ka-kambal na mahimbing pa rin na tutulog.
Mrs. Xenix Point of View
Its been a month and still hindi pa rin nagigising ang anak ko, hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin ang driver ba nang truck na kasalukuyan nang na sa bilangguan o ako na bilang naging pabayang ina.
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman
Ficção GeralSabi nila pag mag kakambal daw ay maari itong maging mag kaaway o maging mag kakampi. Marami rin nag sasabi na kadalasan sa mag kambal ay mag mamahal sa iisang babae. Marami rin nag sasabi ang mag kambal ay isang mapanlinlang sa mata ng marami. Si D...