"Duke pwede naman tayo sa canteen nalang kumain" pero parang wala lang siyang narinig, pumunta kami sa parking lot kung saan nakalagay ang isang pulang sasakyan na toyota"No. Ngayon na lang ulit kita ma s-solo kaya please wag ka ng mag reklamo" sabi niya at binuksan ang pintuan sa tabi ng driver, wala naman na akong magawa kundi ang sumakay nalang sa sasakyan niya.
"Saan ba tayo kakain?" Tanong ko habang inaayos ang seatbelt, ngunit ngumisi lang siya sa akin at tumingin sa daan
Hinayaan ko nalang siya sa pag dri-drive niya, seryoso siya sa daan sa mga traffic lights na humihinto hindi rin kabilisan ang kanyang pag d-drive
"Nandito na tayo" sabi niya at lumabas ng kotse bago ako pinag buksan, isang karindirya niya ako dinala isang karindirya na hindi kalakihan ngunit kitang-kita sa daan
"Sigurado ka?"
"Bakit hindi ka kumakain sa mga ganito?"
"Kumakain pero sigurado ka na kumakain ka sa mga ganitong lugar?" Paninigurado ko
"Kumakain ako kahit naman na mayaman kami gusto pa rin ng magulang namin na maging normal" sabi niya at isinarado ang pinto ng sasakyan, may ilang napapatingin sa amin mas lalo na ang mga trycycle drivers na kumakain dito pare-pareahas sila ng damit na may tatak na eptoda
"Anong sa inyo?" Tanong ng dalagita, siya ata ang bantay dahil naka Apron ito at hairnet may towel din sa kanyang balikat
"Dinuguan tsaka itong sisig at dalawang order ng kanin" sabi niya sa tindera na sumasandok sa pag kain na in-order niya
"Ano ang sayo Kairiella?"
"Itong chicken curry at kanin nalang sabay softdrinks"
Tumango tango naman ito, nang maibigay na ang order namin ay nag hanap na kami ng bakanteng lamesa na pwede pag kainan pass 12 na rin kaya medyo marami ng kumakain
"Masarap tong sisig nila gusto mo tikman?" Tanong niya at inurong ang lalagyan ng sisig niya papalapit sa akin. Sumandok naman ako rito at tinikman
"Masarap nga" puri ko, ngumiti lang siya at nag umpisa na kumain
Paborito ko tong curry kaya naman marami akong nakain, kahit nakakahiya ay nag padagdag ako ng dalawa pang order ng kanin at medyo dinamihan na ito ng tindera
"Kain tayo ulit dito" nakangiti kong sabi at sumubo muli ng kanin, tataba ako pag ganito lagi ang ulam sa bahay namin
"Oo naman basta sa isang kundisyon"
"Ano naman yun?"
"Can i court you?" Muntik na ako mabilaukan sa sinabi niya kaya't agad agad kong kinuha ang tubig na nasa lamesa namin samantala siya ay natatawa tawa habbang tinitignan ako
Pinunasan niya ang bibig ko na may konting kanin na nag kalat sa aking pisngi pati na rin sa lamesa buti na lamang at walang gaanong nakapansin dahil na sa gilid kami kumakain
"Seryoso ka?" Tumango lang ito at ngmumiti sa akin
"Mukha ba akong nag bibiro?" Tanong niya, umiling nalang ako sa kanya at ngumiti
"Oo na sige na papayag na ako" sabi ko na pinipigilan ang kilig na nararamdaman, inubos ko ang pag kain na nasa hapag at ganon din ang kanyang ginawa mas lalo siyang naging madaldal ngayon
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman
Ficción GeneralSabi nila pag mag kakambal daw ay maari itong maging mag kaaway o maging mag kakampi. Marami rin nag sasabi na kadalasan sa mag kambal ay mag mamahal sa iisang babae. Marami rin nag sasabi ang mag kambal ay isang mapanlinlang sa mata ng marami. Si D...