"Wag kang yuyuko Winnie! Chest out!" Sabay yugyog ng balikat ni Winnie upang umayos, nandito kami ngayon sa bahay nila Aishie mas sasabi kong mayaman talaga sila pero walang wala ang bahay nato sa bahay nila Duke
Speaking of Duke, hindi kami gaano nag kikita dahil na rin busy siya sa school nila at ako naman ay busy din sa pag tulong mas lalo na ngayon ang daming activities
Sila mama at papa naman ay balik na sa trabaho, sana nga'y may nabuo na sila sabik na sabik na akong mag karoon nang kapatid at ng baby sa bahay namin
"Very good!" Sabay palakpak pa niya, nakatayo na si Winnie actually nag lalakad na siya paikot ikot dito sa sala
"Hindi ka naman mahirap turuan, tara kumain muna tayo bago mag sukat ka ng damit doon sa closet ko" sabay sabay na kaming pumunta sa hapag at nakalatag na roon ang mga iba't- ibang pag kain
Ang mga katulong ay nakatingin sa amin, kung may kelangan kami ay agad nilang ibinibigay
"Aishie, pwede paalisin mo muna sila. Naiilang ako" sa totoo lang, wala naman kasing ganito sa bahay namin. Kung may kainan ay lagi namin kasabay si manang kumain
"Narinig niyo siya" sabi niya, agad naman nag si-alisan ang mga nakatayo sa gilid namin at nag umpisa na kami kumain
"Oo nga pala, mag sukat kayo ng mga damit doon sa closet ko kung sakaling may magustuhan kayo mas lalo na ikaw Winnie ang badoy ng porma mo. Mga maliliit na yun sakin kaya feel free kumuha kesa naman itapon ko nalang"
"Baka magalit ang parents mo Aishie, mukhang mamahalin yang mga sinusuot mo damit tapos ipapamigay mo lang"
"Ano ka ba naman Winnie the pooh ayos lang yun, wala naman silang paki-alam sa mga damit ko mas lalo na pag naliitan tsaka sayang ang mga yun ang iba hindi ko pa nasusuot at ang iba naman ay isang beses ko lang nasuot"
Hindi na ako umimik pa, siguro ay si Winnie nalang ang kukuha marami din akong damit sa bahay namin dahil sa mga pinag bibili nila mommy para sa akin pero kung may magustuhan ako bakit hindi
"Dapat sa first day ng ABM month naka dress tayong tatlo" excited na sabi ni Aishie, sa totoo lang siya ang naeexcite sa mga darating na araw
Naeexcite ako pero hindi ganon ka excited
"Hindi ba tayo maiilang doon?" Nag aalangan na sabi ni Winnie, si Winnie nasama na sa amin this fast few days kaya naging power puff girls na kaming tatlo
Masaya kasama si Winnie pero halata parin sa kanya ang pagiging mahiyain, buti na nga lang at napapayag siya ni Aishie na sumali sa ganon na pageant
"Syempre hindi, sila ang maiilang dahil magaganda tayong tatlo" sabay halakhak niya ng malakas, napailing nanaman ako sa kanya
Kung tatanggalin ang magagarang damit, alahas sa kanya siguro ay mapag kakamalan siyang pulubi sa kanto dahil sa lakas tumawa parang hindi babae
Ilang oras din ay napag pasyahan na namin umuwi, nag presinta na si Aishie na ihatid kami mas lalo na si Winnie na ang daming dalang damit at may sapatos din itong dala
Ganyan ba talaga ang mga mayayaman? Pero kung sabagay tama si Aishie kesa naman ipang tapon niya ang mga damit na iyon ay mas mabuti ng ibigay nalang
Huminto kami sa isang kanto, dahil hindi na makapasok ang sasakyan na dala namin kaya nag lakad nalang kami kasama namin si Manong at isang body gaurd ni Aishie para sa mga bitbitin na mga damit
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman
Fiksi UmumSabi nila pag mag kakambal daw ay maari itong maging mag kaaway o maging mag kakampi. Marami rin nag sasabi na kadalasan sa mag kambal ay mag mamahal sa iisang babae. Marami rin nag sasabi ang mag kambal ay isang mapanlinlang sa mata ng marami. Si D...