Chapter 3

2 0 0
                                    


"Hindi ba makakaapekto sa scholarship mo ang pag kakaroon mo ng bagsak kanina?" Nag aalalang tanong ni Aishie

Kanina sa quiz namin ay ako ang pinaka highest pero 19 lang yun up to 50, sabi nila swerte na daw yun atleast bokya pero bagsak pa rin yun kahit ikaw pa ang pinaka mataas sa klase niyo

"Hindi naman ata Aishie tsaka ngayon lang naman ako bumagsak sa test natin doon" preteng sagot ko

Tapos na ang klase namin at sabay kaming nag lalakad papunta sa sakayan nang Jeep, hinahatid niya kasi ako at doon na rin siya nag papahintay sa Driver nila minsan nga ay gusto niya akong ihatid pero tumatanggi ako maliban nalang kung maulan ay kahit hindi niya sabihin ay mag papahatid ako

"Dito ka na Kairiella, mag ingat ka pauwi" kaway kaway niya at lumiko na papunta sa kanto doon kasi nag hihintay si Mang Albert sa kanya, sumakay na ako sa Jeep na unang huminto

Hindi namin kasabay ang kambal ngayon dahil kailangan daw nila sumabay sa driver nila at mukhang busy talaga sila this passed few days hindi ko naman alam kung ano

"Manang nakauwi na po ako" dumiretso na ako papunta sa kwarto ko upang mag pahinga, nag luluto si manang kaya ayaw ko muna istorbohin

Sa totoo lang si manang ay parang mas boss pa kela mama pag dating sa kusina, ayaw niya naiistorbo siya pag nasa kusina at gusto niya siya ang nag luluto kaya walang magawa si Mama at papa sa kanya, binibili nalang lahat nila mommy ang kailangan sa kusina

Dahan dahan kong binagsak ang katawan ko sa malambot kong higaan, nakakapagod ang ginagawa pang araw araw mas lalo na ngayon na collage na ako ibang iba sa high school na pwede kang mag pa petiks-petiks lang

Muli akong tumayo upang kunin ang loptop ko, mag f-fb muna ako bago pa ako tawagin ni manang

Duke Cliffer Sanchez Added you
Luke Clifford Sanchez Added you
Aishie Frontier
Winnie Caber

Hindi ko sila inaccept, bahala sila pumunta ako sa messeges at nakita ko sa ang mga messeges nang mga dati kong ka schoolmates na nag tatanong kung bakit ako lumipat nang bigla nanaman na mag pop out ang chatbox namin ni Duke

Duke: Ateng peymous pa accept.

Natawa nalang ako at inaccept silang tatlo maliban sa Winnie na hindi ko naman kilala

"Done" reply ko at sinarado ang chatbox

Stalk lang ako nang stalk nang mapansin ko na may bagong update itong picture na ginawa pang cover

Isa lang ang masasabi ko, gandang lahi ang meron silang

Yung mommy niya na kahit matanda ay wala pa ring kupas ang ganda, ang daddy niya na may katandaan na pero ang kisig pa rin at silang dalawa na may pinagiginaan na babae

Naka Black two piece ito habang nakangiti na nilagyan nang sungay si Duke, zinoom ko ang mukha niya at isa lang ang masasabi ko

GIRL VERSION SIYA NANG KAMBAL

Siguro ito ang sinasabi ni Aishie na kapatid nilang babae, ang ganda nang kapatid nila kaso sa kwento palang ni Aishie sa ugali nito parang ayaw ko nang kilalanin pa

Pinusuan ko ang picture niya at nag comment

'Ganda naman po'

Ilang minuto lang ang tinagal nang picture pero sobrang dami nang likes, tinignan ko ang naka tag na babae at i-add ito agad naman niyang inaccept ang fr ko

Mr. GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon