Chapter 6

4 0 0
                                    


Aishie POV

"Ms. Frontier kayo na po ang susukatan" Agad kong rumampa papunta sa harapan, hindi naman nila ako kailangan pang sukatan pero ayos lang sexy naman ako (connect)

"Kaya niyo ba 'to matapos sa araw na kinukuha ko?" Paninigurado ko, aba kailangan alam mo lahat ng nangyayari sa paigid mo no, paano pala kung hindi nila matapos yung mga damit edi nga nga kaming lahat sa roleplay

Natapos na akong sukatan at sumunod na dito ang isang babae, iilan lang kami sa klase kaya madali lang. Hiniram na rin namin ang oras mula kay prof tutal ay Abm month naman ngayon

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Kairiella, si Winnie ay na sa kanyang upuan rin ngunit malayo to sa amin

Kamukhang-kamukha niya ang tito kong pumanaw na, nangako ako kay tito na hahanapin ko ang kanyang nawawalang anak alam ko simula ng ipinangak ang kanyang anak ay isang buwan lamang niya itong nakasama

Nangyari ang lahat ng dahil sa aksidente, isang aksidente na hinding-hindi makakalimutan ng pamilya namin

Ng dahil sa kasakiman, kasakiman sa pera at kapangyarihan

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo, may problema ba?" Umiling lang ako sa kanya at ngumiti ng napaka sigla

Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Kairiella, kahit lagi niya akong sinasabihan na maharot, malandi at kung ano-ano pa

"Wala ah, kung may problema man hindi ko pro-problemahin at baka pumanget pa ako alam mo na baka mabasan nanaman ang magaganda sa mundong ito"

Sabay hila ng may kahabaan niyang buhok, nag kwentuhan lang kaming dalawa hanggang pinalabas na kami dahil wala rin na gingawa

Sinamahan namin si Winnie na mag practice sa Gym, may mga tao rin dito upang manuod ng practice at para abangan na rin ang kanya-kanya nilang bias

"Nahihiya ako, pwede pa bang mag back-out?" Hindi mapakali na sabi ni Winnie at kinu-kurot ang kanyang sarili, pinag titinginan din kami ng iba kayo ba naman tatlo mag red dress tapos halos mag kakaparehas pa ng style

"Bawal ka na mag back-out Winnie" sabay tulak ko papunta sa kanya sa pila

Hindi na siya na sanay sa maraming tao. Maganda siya, Matalino at may magandang kurba hindi ko alam kung bakit ikinakahiya niya ang meron siya

Naupo kami ni Kairiella sa gilid ng gym at pinanuod ang mga nag pra-practice na rumampa sa harap, kung hindi ko rin inaasikaso ang roleplay na pag bibidahan ko ay ako na ang rumarampa sa harap upang dalhin ang pangalan ng section namin

"Candidate #2!" Sigaw ng bakla na nag aayos sa kanila, kinakabahan na rumampa si Winnie sa harap pero makikita mo rito ang matapang niyang mukha

Naka fierce ito, nanginginig ang kanyang kamay ngunit hindi niya ito pinapahalata sa karamihan. Malakas na loob siyang humarap sa mga tao at nag salita

"Winnie Caber. 17 years old. Business Finance 3!" Ngumiti ito at muling rumampa, magaling!

Dahil puro babae lang ang rumampa kanina, time naman ngayon ng mga kalalakihan

"Shocks! Fafabols!" Irit ko at hinila-hila si Kairiella na tahimik lang sa tabi, kanina pa ito hindi nag sasalita at namamawis

"May problema ba Kairiella?" Nag aalala kong tanong, ngunit umiling lang ito at mabilis na tumakbo susundan ko pa sana siya ng tawagin muli ang mga candidates

Mr. GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon