Mas lalong lumala ang kalagayan ni Kairiella habang patagal ng patagal na pag stay niya dito, nakakaramdam na ako ng pag ka-wala ng pag-asa pero hindi ko matanggap sa sarili ko na pwede siyang mawala sa akin ano mang oras ngayon.Marinig ko ang doctor na makina nalang ang bumubuhay kay Kairiella at masakit yun sa side namin ng mga kaibigan niya, mas lalo na sa mga magulang nito.
"Iho, umuwi ka muna't mag pahinga. Ilang araw ka na dito at baka ikaw naman ang mag ka sakit."
Umiling ako kay tita at muling tinitigan ang kanyang anak na hanggang ngayon ay wala pa rin malay.
"Hindi po tita, ayos lang po ako."
Umupo ito sa isang sofa na nakaharap pa rin sa amin, nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Mahal na mahal mo talaga ang anak ko"
Tumango ako kay tita at ngumiti, kung alam niya lang kung gaano ko kamahal si Kairiella. Alam ko na kailan lang kami nag ka-kilala pero ibang-iba ang nararamdaman ko sa kanya.
Simula ng makita ko siya na nag abot ng bayad sa Trycyle ay hindi na siya mawala sa utak ko, lagi akong nag hahanap ng paraan para maka-usap at makasama siya kahit alam kong busy at naiinis na ang kambal ko sa kahibangan ko.
Kaya ng mag karoon ng pag kakataon na umamin s kanya ay ginawa ko na, handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Handa akong iwan ang mga bagay na meron ako ngayon makasama ko lang siya at maging masaya.
Pero tadhana na mismo ang nag lalayo sa aming dalawa.
Tinignan ko siya muli at hahawakan sana ang kanyang kamay ng makita ang dahan-dahan na pag galaw ng kanyang daliri.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, agad akong tumayo na ikinagulat ni tita. Tumakbo ako palabas upang tawagin ang mga doctor.
Hindi ako namamalik-mata lang, nakita ko na gumalaw ang isa niyang daliri.
Pabalik na ako sa kwarto at nakita kong palabas na si Tita mula sa kwarto, muli nanamang nag kakagulo ang mga doctor at patuloy sa pag check ng kalagayan ni Kairiella.
"Totoo ba ang sabi na gumalaw si Kairiella?" Hindi makapaniwala na tanong ni Tita at yumakap sa akin, naramdaman ko ang pamamasa ng aking damit.
Umiiyak nanaman siya, sigurado akong pag gising ni Kairiella ay mag aalala ito sa mama niya dahil walang araw ang lumipas na hindi umiiyak ang mama niya.
Halata na rin ang pagod nito sa kanyang mata, pero kahit anong pilit ko na pag pahingahin siya ay hindi siya pumapayag.
Gusto niyang bumawi sa kanyang anak, yan ang sabi niya sa akin dahil malaki ang pag kukulang niya rito.
Lumabas ang doctor at agad kaming lumapit rito, nakangiti ang doctor na tumango sa amin ngunit kailangan niyang kausapin si Tita.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita ko si Kairiella na mahimbing pa rin na natutulog, nng bigla niyang imulat ang kanyang mga mata.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kung tatawagin ko pa ba ang doctor o mag stay sa tabi niya.
"Sino ka?" Punong pag tataka niyang tanong sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hahawakan sana ang kanyang kamay ng bigla niya itong ilayo kahit nanghihina ay halata sa mukha niya ang takot.
Dahil sa ginawa ko ay muntik ng matanggal ang nakasaksak sa kanyang kamay, doon ko lang napansin na wala ang ibang makina.
BINABASA MO ANG
Mr. Gentleman
Fiction généraleSabi nila pag mag kakambal daw ay maari itong maging mag kaaway o maging mag kakampi. Marami rin nag sasabi na kadalasan sa mag kambal ay mag mamahal sa iisang babae. Marami rin nag sasabi ang mag kambal ay isang mapanlinlang sa mata ng marami. Si D...