Share Ko Lang💖

18 2 0
                                    


Mga mahilig sa tula dyan kaway-kaway I have a friend na magaling gumawa ng tula sooooo I just want to share lang this guys💖💖


"WALA NA, FINISH NA"

Eto naba ang hangganan ng ating sumpaang walang iwanan? Eto naba ang dulo ng pagsasamahang walang katapusan? Eto naba ang kapalit sa kasiyahang nakamit? Eto nanga siguro.

"Lahat nagbabago", mga salitang hindi ko pinaniwalaan mula sayo. Pero dapat pala nag handa ako nang sagano'y hindi ganto kasakit dinadala ko. Napaka daya mo, nakakatampo na ikaw pa mismo nag padama sakin na ganto, ikaw na minahal ko ng husto, ikaw na diko pinagpalit kahit kanino.

Habang tumatagal tumatamlay, para bang ako nalang ang masaya sa ating dalawa. Para bang wala lang sayo aking nadarama,para bang ngumunguya sa bubble gum na walang lasa, para bang sumasayaw ako ng mag isa.

Naalala kupa yung mga panahong nahihiya ka tumingin saaking mga mata, pero mas naalala kupa yung unti unting pag iwas mo saakin sinta .
Naalala kupa noong sinabi ko nandito lang ako sa iyong tabi kahit na ika'y bumibitaw, umaayaw ay patuloy padin akong kumakapit.

Hayaan mokong ialay ang tulang ito sayo, huling pagkakataong ilalagay ka sa isip ko, huling luhang ibubuhos ng mga mata ko ng dahil sayo, at ipapahatid sayo na mahal kita, pero tama na. Ngayong malaya kana masasabi kuna na ang ating pagsasamahan ay wala na, finish na.

07/20/18
-MARC JOEL B. JUNIO

Ayan sa mga nagvovotes sainyo dyan may pa free request kayo ang mga magvovote isasali ko sa story ko so vote na💖💖


Pabitin muna si author ngayon💖💙

Loving You My Psychopath ManWhere stories live. Discover now