Fangirl 8:

325 14 12
                                    


Fangirl 8:

Trixie's P.O.V

"Bakit pala ako nalunod?", tanong ni Hoseok na ikinahagalpak lamang ng tawa namin.

"Aba'y gago. Iyan din sana ang itatanong namin sa'yo eh.", Jimin sabay lamon sa mamon.

"Exactly. Half sea horse ka pa naman pero nalunod ka? tsk. Very wrong.", Namjoon.

"Ang sama niyo! Di niyo naman ako tinulungan eh! Buti pa si Trixie.", sabi ni Hoseok sabay kindat pa talaga sa'kin. Nagulat naman ako doon.

"Sino may toothpick? Tutusukin ko mata ni Hoseok.", sabat naman ni Jin na ikinahiyaw naman sa lahat. Maski nga ako napahiyaw din eh.

"Ayieeee selos si babyyyy!", asar nilang lahat.

"Woteber,", Jin.

"Gago ka. Sinabihan naman kita na lumangoy na pang dog-style eh.", sabi ni Jungkook sabay irap sa kay Hoseok. Takte seryoso, ang hilig nilang umirap! Nahawa na ba sila sa kay Jin?

"Di ko naman alam paano!", Hoseok.

"Weh? Pero sa kama alam mo?", Jimin. At dahil diyan ay nakatanggap siya ng batok sa bangtan.

"Bastos.", Jungkook.

"Woy! Laro tayo!", sigaw ni Taehyung sabay takbo sa amin.

"Anong klaseng laro yan?", tanong naman ni Jin using his kikay tone.

"Masarap ba ang laro na yan?", tanong naman ni Jimin. Aba! Kailan pa nagiging masarap ang laro?

"Oo nga. Yung tipong tagaktak talaga yung pawis mo?", tanong naman ni Jungkook.

"O kundi yung tipong mapapagod ka talaga?", sabi naman ni Hoseok. Teka, nasan ba papunta ang topic nato?

"Mga peste talaga kayo. Laro nga tayo! Unahan sa paglalangoy.", sabi ni Taehyung.

"Ayoko na sa larong yan. Lugi tayo, may seahorse o!", sabi ni Jimin sabay turo sa kay Hoseok.

"Ay bongga. Ngayon lang ako nakakita ng seahorse na nalunod kanina", sabi naman ni Jin na ikinahagalpak ng tawa namin. Pikon na pikon naman si Hoseok.

"Ay alam ko na! Truth or dare nalang tayo", pagsu-suggest ko na. Eh syempre ayokong mananahimik dito buong araw.

"Sige. Masaya yan!", sabi ni Rapmon sabay palakpak pa talaga. Para siyang masayahing badjao.

"Sige. Pero bago yan, form muna tayo ng circle.", sabi ni Jin na ikinasunod naman namin.

Katabi ko ngayon sina Jin at Taehyung. Si Suga? Wala. Natulog sa room. Palaging inaantok 'yun eh.

"Teka. Wala tayong bote para paikutin.", sabi ni Jungkook.

"Si Jimin yung paikutin natin.", sabi ni Rapmon.

"Mukha ba akong bote?", tanong naman ni Jimin.

"Hindi naman. Pero yung height mo mismo ang parang bote", sabi ni Rapmon na ikinatawa naming lahat. Tinapunan lamang ni Jimin ng bato si Rapmon at nakaiwas naman ito.

"Sige. Hindi tayo maguumpisa kung wala tayong boteng makikita.", sabi ni Jin.

"Ay may nakita ako!", sabat ni Jungkook.

"Saan?", tanong naming pito.

"Si Jemen.", Jungkook sabay turo sa kay Jimin.

Inis namang binatukan ni Jimin si Jungkook habang humagalpak naman kaming lahat sa tawa dito. "Hindi nga ako bote! Kookinginamels ka.", sabi nito.

Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Seokjin] (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon