Fangirl 3:Ilang oras ang nakalipas ay nag-land na yung plane kaya para naman akong baliw dito sa kaka-excite.
"Waaah! PD-NIM! MAKIKITA KO NA ANG HUSBAND KO!", masayang sabi ko kay Pd-nim habang niyugyog ko pa talaga ang balikat niya.
"Husband? Lul! Hindi pa nga kayo kasal!", sabi ni Pd-nim na ikinasimangot ko lang sa kaniya.
"Edi magpakasal! Problema ba 'yon?.", sabi ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin kaya agad naman akong napangisi at umupo na ng maayos.
Time check dito sa Korea: 7:25P.M na. Oo. Gabi na dito tsaka ang lamig pa! Yothot!
"Annyeong! Annyeong! Je ireumeun, Trixie imnida. The magandang soon to be wife ni baklang Kim Seokjin", sabi ko at bumaba na sa plane.
Kinuha na namin yung mga luggage namin sa luggage compartment. Pagkatapos naman ay agad na kaming lumabas sa airport at sumakay na sa isang malaking private van.
"Whoah! Ang cool naman dito", ignorante kong sabi sabay pasok na sa van. Nagulat naman ako nung bigla lamang akong hinampas ni Pd-nim kaya agad ko naman siyang tiningnan ng masama. At sa pwet pa talaga ah! Hentai!
"Act normal ka nga! Para kang abnormal diyan", inis niyang sabi kaya agad naman akong umayos ng upo at nag pout lamang. Pero still, nahawa ba siya sa kay Jungkook?! Ang hilig niyang manghampas ng pwet!
"Kailangan pa ba talagang sampalin ang pwet ko? Aish", pabulong na sabi ko sa kaniya enough for him to make dinig dinig my sinasabi. Charot, bakla ka ghorl?
"Pwet pala yun? Bakit flat?", tanong ni Pd-nim na ikinapula lamang ng mukha ko. ABA! FLAT KA DIYAN! May laman pwet ko aba!
"Che!", ang tanging nasabi ko lamang at inirapan na siya kaso tinawanan lamang niya ako. Aba sige! Tawanan mo lang ako. Mabulunan ka sana diyan. Tss.
Ilang minuto ang nakalipas ay huminto na yung van kaya hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. Mas lalo akong naha-hype at muntik nalang ang kulang para dadalhin ako ni Pdnim sa mental.
"Nandito na ba tayo!?", excited kong tanong sa kay Pd-nim na ikinakunot niya lamang sa noo niya.
"Hindi pa. Ikalma mo muna iyang putotoy mo. Malayo pa tayo.", sabi ni Pd-nim na ikinasabunot ko lamang sa buhok ko. Aish!
"Ilang oras nalang ba ang natira?", tanong ko. Eh ba't ba? Kating-kati na kasi 'tong mga paa ko para tatakbo sa kay Seokjin eh!
"Secret. Bawal malaman ng mga mukhang igit.", simpleng sagot niya na ikinalaki lamang sa mata ko. A beautiful igit I am! Hmph! Di bale na, I can be patient.
So ayun, I spend my time doing nonsense. Sumayaw na nakaupo, kumanta na parang ngo-ngo, di mapakali na makikita ko na pala ang Seokjin na vaklush. Acck!
Maya-maya pa lamang ay nakaramdam ako ng antok at akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ngunit biglang nagvib-rate ang cellphone ko.
[Ano!? Aba! Sino kasama mo diyan!? Baka kidnapper yan! Naku! Ikaw talagang bata ka. Diba sabi ko sa'yo wag kang makikipagusap sa taong hindi mo kilala?! Aba't sumama ka pa! Tigas talaga ng pwet mong babaitang ka. UMUWI KA NGA DITO!], reply ni Mama sa'kin. Tsk. Wala nalang bang tiwala si Mama sa'kin? At talagang late na siyang nakapagreply ah!
At dahil tinatamad akong mag-type ngayon, tinawagan ko siya. Ilang minuto ang nakalipas, hindi niya ito sinagot. Aba! San na naman nag-punta yun at talagang hindi pa niya sinagot ang tawag ko?

BINABASA MO ANG
Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Seokjin] (COMPLETED)
Fanfikce(Completed) A fanfiction story. Kim Seokjin X Reader -Read it at your own risks-