Fangirl 16:

274 8 0
                                    

Nagbabalik XD

####

Fangirl 16:

Jin's P.O.V

Nandito na kaming walo sa kusina at nag umpisa ng kumain.

Ano kaya ang mangyayari pagkatapos dito?

May naramdaman kasi ako na may mangyayaring masama. Ewan eh. Pero syempre ang naramdaman ko lang din naman yan.

"Huy, okay ka lang ba talaga?", tanong ni Trixie sabay siko sakin.

"Huh? Oo naman. Palagi naman akong okay eh. Hehe. Bakit ba?", sagot at tanong ko sa kaniya pabalik.

"Eh kasi naman kanina ka pa tulala ng tulala. May problema ka no?", tanong niya.

Sabing wala. Tss.

"Naku, kung si Jin maging ganyan, nagpapalambing lang yan. Gusto niya kasing yakapin mo siya at i-comfort", sabi ni Taehyung.

Luh. Galing gumawa ng storya sa butikaw nato.

"Baliw! Porket nakatulala magpalambing kaagad? Hindi pwedeng nakatulala lang dahil may iniisip?", sabi ko.

"Eh ano ba kasi yang iniisip mo?", tanong ni Hoseok.

"Hindi 'ano', kundi 'SINO'", pagcorrection naman ni Jimin.

Tsk. Sarap sapakin tong mga to.

"Ayieeeh! Sino ba kasi yan!", pilit na tanong nilang sakin.

Napapikit nalang ako at hinihilot-hilot yung ulo ko.

"Guys, wag niyo ng pag tulungan si Jin. Masakit ang ulo niyan eh. Let him rest, okay? Tsaka, tapos naman din siyang kumain", agad na sabi ni Trixie.

Tiningnan ko siya pero nakangiti na pala to sakin.

"Punta ka na sa kwarto. Susunod lang ako para hihilutin ko yang ulo mo", sabi niya sakin at ngitian ako ulit.

Dugdug. Dugdug.

Taena. Anyare dun?

Napapalunok nalang ako at hindi namalayan na tumatango-tango na pala ako.

"S-sige", sabi ko at agad ng tumayo para pupunta sa kwarto.

Takte. Bat ganun? Parang ang bilis ko namang sinunod ang utos niya.

HOY! Hindi ako inlove sa nilalang na yun! Kainis.

Mas maganda pa ako sa babaitang yun. Tse.

Pero still, Bakit nga!? Aish.

Hindi naman siguro to inlove no? Hindi talaga.

Hoy Jin! Umayos kang bakla ka.

Pero shet naman o!

Ang hot niya kasi kanina eh!

Eh kasi naman, kasi.. Kasi.. AY EWAN!

Yung pawis niya tumatagaktak eh! Tsaka...tsaka..eeeeeehhh!

Wag na nga lang! Baka paranoid lang to. Tss.

*Door opened*

Agad naman akong lumingon at nabungad ko si Trixie na gulat din ang tingin sakin.

"B-bat ka ganiyan m-makatingin sakin?", utal na tanong niya.

"S-sorry, nagulat lang ako. Natakot ba kita? Pasensya na, ang gulo kasi sa isi--

"H-hindi. Okay lang. Actually, nagalala lang ako sayo", nakayuko niyang sabi.

Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Seokjin] (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon