Fangirl 14:

300 9 0
                                    

Hi! Nagbabalik na ako.

####

Fangirl 14:

Jin's P.O.V

Ilang minuto ang nakalipas ay nandito na kami sa parking lot at agad na kaming bumaba.

Pumasok kaagad kami sa supermarket at nag grocery na. Ako ang nagtulak sa cart, siya ang nagkuha ng mga canned goods, noodles, pagkain, drinks, beverages, dairies, at iba pang mga kinakailangang.

"Uy. Apple o", sabi ko sa kaniya.

"P-pero walang apple ang nakalagay dito sa list", sabi naman niya.

"Sus. Okay lang yan. Kuha ka na", sabi ko. Tiningnan muna niya ako at kinuha na ang apple.

"Ikaw ang magbabayad sa mansanas na yan ah", sabi niya at umalis na. Abugh, at talagang ako pa?

Edi ako. Mura lang naman din ito eh.

Sa gitnaan ng pamimili namin ng de lata, may narinig kaming ingay sa likod namin kaya agad naman din naming nilingon yun.

Nakita namin ni Trixie na pinagalitan ang bata at talagang pinaghampas-hampas pa ito sa may ari.

Kaya ang ginawa namin ni Trixie, nilapitan namin yung may ari at tinanong kung anong nngyari.

Trixie's P.O.V

"Ano po ba ang problema at bakit pinag hampas-hampas niyo po yang bata? Hindi po ba kayo naawa sa kaniya? Atsaka, Child abuse na yang ginawa mo ah", sabi ko sa may ari.

"Aba at talagang pinagtanggol niyo pa tong bata? Mali din kasi ang ginawa niya! Tingnan niyo, ang dami na niyang nakain na mansanas tas yung iba, kinuha niya at tinago sa bulsa niya! Magnanakaw ka!", sabi ng ari.

Biglang tumakbo ang bata sakin at umiyak. Nagulat ako nung biglang ipinasok ni Jin ang mansanas sa bibig ng may ari.

"Ayan. Manahimik ka. Kung mali ang ginawa sa bata, mas mali ang ginawa mo. What do you think? Bata nga to diba? Tsaka bakit mo naman paghahampasin eh yang ginawa mo ay Child abuse na yan. Tsaka wag kang magalala, babayaran namin yang lahat na mansanas na kinain at kinuha niya. Wag mo lang siyang saktan", sabi ni Jin sabay labas ng pera. Grabe, I'm speechless!

Napakabait naman niya.

"O eto. Ipasok mo yang mga pera sa bunganga mo para manahimik ka na. Next time, wala kang karapatan na hampasin ang bata ng ganyan dahil hindi ikaw ang totoong magulang. Bata din naman to so malamang, hindi niya alam ang mga pinanggawa niya", sabi ni Jin.

Umalis na kami doon at nagpatuloy na sa pag g-grocery shopping pero syempre, kasama na namin yung bata.

Shet. Nakaramdam ako ng hiya tuloy.

Eh kasi naman, si Jin yung nagpush sa cart and then nakasakay ang bata doon, tas ako dito, naghahanap ng mga kinakailangan.

So para kaming pamilya. Si Jin yung papa, ako yung mama, tas anak namin ang batang yan. Naku! Nakakahiya.

"O-oo nga pala bata, bakit mo pala kinuha at kinain ang mga mansanas doon?", tanong ko sa bata.

"Gutom ako", simpleng sabi ng bata.

Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa paghahanap ng nga kinakailangan.

"Zia? Ang ganda naman ng pangalan mo", rinig kong sabi ni Jin na ikinalingon ko sa kaniya.

Nakita ko siya ngayon na nilalaro ang bata. Grabe, napakasaya naman niya kapag may bata siyang kasama.

Naiimagine ko tuloy na anak niya yang bata. Haha.

Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Seokjin] (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon