Fangirl 10:Trixie's P.O.V
Timecheck: 7:45P.M na at lahat kami mismo ay nasa sala pa. Aba, hindi pa kasi kami inaantok eh.
"Teka, magtatambay lang ba tayo dito sa sala?", tanong ni Jimin.
"Oo. Bakit? Ano pa ba ang gusto mo?", tanong ni Taehyung sa kay Jimin.
"Mmm..gusto ko si...", sabi ni Jimin sabay ngisi pa talaga sa'kin. Ay teka, ba't sa akin? "Gusto ko si Trixie~", dagdag ni Jimin na ikinalaki lamang sa mata ko.
H-HANUUUUDAWWW!?
"Oy pandak. Gusto mo bang ipasok kita sa ref?", agad na sabat ni Jin na ikinagulat ko lamang. Kyaaah! Selos!
"Yieee! Inlove ka na ba sa fangirl mo hyung?", tanong naman ni Jungkook na nakataas baba pa talaga ang kilay.
"Che.", ang tanging sabi lamang ni Jin. Na 'che' pa nga!
Pero seryoso, inlove nga ba siya sa'kin? Awts.
At dahil nakaramdam na ako ng antok, tumayo na lamang ako sa sofa at naglakad na papuntang itaas. Syempre itaas. Alangan namang sa baba.
"Uy Trixie! San you punta? Stay here muna! Let's watch wrong turn 6!", masayang sabi ni Jimin at talagang naka taas baba pa ang kaniyang kilay. Mga lintek talaga to.
"Nah. Pass.", ang tanging nasabi ko lamang na ikinapout lamang nila. Ulol! Di naman kyut!
Agad na akong pumunta sa kwarto ni Jin at humiga na doon sa kama. Pinikit ko na ang aking mga mata at natulog na.
Kaso nakaramdam ako ng may biglang humalik sa pisngi ko. Hindi ko alam sino dahil tinatamad akong tumingin pero kumabog talaga ng mabilisan ang puso ko.
Tae, kumalma ka na puso. Matulog na tayo. Stop pounding, please!
Rapmon's P.O.V
Umalis na ako sa kwarto ni Jin na nakangiti. I did it! I just kissed her on the cheeks!
Well, lately..inutusan ako ni Jin na i-che-check si Trixie kung natutulog na ba. Syempre at dahil crush ko siya, ginawa ko ang utos ni Jin. And when I opened the door, nakita ko na mahimbing na ang tulog ng dalaga. I couldn't help but to smile and took a pic of her, sleeping. I just couldn't resist it! She is so freaking adorable.
"Natutulog na ba ang impakta?", agad na tanong ni Jin sakin.
"Oo. Mahimbing na ang tulog niya", sabi ko at ngitian siya. Umupo na ako sa sofa at nakisama nalang din sa pag panonood ng wrong turn 6.
Dang, what on earth is this? My heart won't stop pounding. And I just can't stop smiling. Putek sumasakit na pisngi ko. Wooh! Kalma ka lang, Namjoon.
"Oy Namjoon, ang tamis yata ng ngiti mo ngayon ah? Anyare?", agad na tanong ni Jungkook sa akin na ikinangiti ko lamang.
PERO DEEP INSIDE PARANG GUSTO KO NG MAGWALA!
"Wala lang 'to.", sabi ko lamang at ningitian na sila.
Nagulat naman ako sa pagbiglang tabi ni Jin sa'kin at talagang siningkitan pa niya ako ng mata.
Takte pinagpawisan ako. Hoh! Calm down, calm down, calm down you piss of shit!
"Ano tinitingin-tingin mo diyan?", tanong ko.
"May ginawa ka ba doon sa kwarto ko?", tanong nito sa'kin na ikinalaki lamang sa mata ko. Well, that caught my attention. I didn't expected that question. And also, he's asking me straight to the point!
"Wala", sagot ko. Actually, I'm just playing cool on the outside, pero para na talaga akong mamatay sa kaba in the inside. Mamatay talaga ako pag malaman niya.

BINABASA MO ANG
Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Seokjin] (COMPLETED)
Fanfiction(Completed) A fanfiction story. Kim Seokjin X Reader -Read it at your own risks-