Fangirl 12:

302 8 0
                                    


Fangirl 12:

Jin's P.O.V

"Bacon ba to?", tanong ko sa kay Trixie sabay turo sa bacon na niluto niya.

"Mukha bang manok yan?", tanong niya pabalik. I-untog ko to sa bubong eh. Pilosopa, tss.

Inirapan ko lamang siya at tinikman na yung bacon.

Okay lang naman yung lasa. Mesherep.

I just want to make sure baka nilagyan niya ito ng lason. Naku, baka madeds pa kami. Ayoko pa namang ma deds.

Bago ako mamatay, kailangan may gwapong papabols muna ang hahalik sakin. Yung pang snow white? Yahee! Sherep, sherep!

"Mukha kang ewan bakla", sabi ni Trixie.

"Bakla mo yang pwet mo", sabi ko nalang at nagumpisa ng kumain.

Naiinis na ako sa bakla thingy na yan ah. Pang-ilan na yan.

Actually, hindi naman talaga ako BAKLA eh. LALAKE ako, okay? LALAKE AKO. Not a gay.

Porket gusto ko na ang kulay pink, bakla kaagad? Well sabagay, gwapo ako eh. Tsaka kadalasan sa mga gwapo, PARANG BAKLA. Pero hindi talaga ako bakla. Ay tangina, ang sakit naman sa ulo.

Ulo na nasa itaas ah? Hamfofo.

Napagsabihan yata ako na bakla ng dahil sa mga galaw ko. Mga galaw ko dawng PAMBABAE. Aba! Nakakatamad lang kasi eh kaya ganun! Tsaka madali lang din naman akong mapagod kaya mahinhin ako.

"Uy Jin nakinig ka?", nabuhayan naman ako sa tanong ni Trixie.

"Ha?", tanong ko.

"Halicopter.", Taehyung. Sinamaan ko lamang siya ng tingin ngunit tinawanan lamang ako sa mga bibwit.

"Sorry ha! May iniisip lang kasi eh. Ano sabi niyo kanina?", tanong ko.

"Nag text si Pd-nim, grocery shopping daw kayo ni Trixie mamaya", sabi ni Namjoon. "Ayaw mo? Edi kami nalang", dagdag niya.

"Gago. Wag! Kami nalang", agad na sabi ko. Ay takte, bat ang bilis ko yatang nakadeny?

"Ayieeee! Selos si Jinny~", asar nila. Tsk. Ang sarap pag-untugin ang mga 'to.

"Selos mo yang mukha niyo!", sabi ko lamang at tumayo na. "Kayo na magligpit. Tsaka hoy kabayo, ikaw yung maghuhugas ng plato", dagdag ko. Ako yung boss dito so ako mismo ang masusunod. Eldest ako eh. Mwuehehe.

"Eh? Akala ko si Trixie ang maghuhugas ng plato?", sabi ni Hoseok.

"Hindi. Ima-massage ako ni Trixie ngayon so ikaw nalang ang maghugas. Hoy impakta! Lika dito, massage mo ko", sabi ko at nauna ng umakyat sa kama.

"Coming!", sabi naman ni Trixie. Napangisi naman ako sa sinabi niya. Cumming daw. pfft.

Grabe. Ang sakit talaga ng likod ko.

Aba. Nadulas kasi ako banyo kanina. Letsugas na sabon yun.

Jimin's P.O.V

Lumabas muna ako sa kwarto para mag CR. After kong nag cr ay dumiretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig.

Ng nakarating na ako dito sa kusina ay agad kong nakita si Hoseok na naghuhugas ng plato. Aba! Ang bait ng kabayo ngayon ah?

"Himala. Biglang bumait", sabi ko sabay ngisi.

"Tanginang baklang yun. Ako yung pinaghugas imbis yung chix niya!", sabi ni Hoseok na ikinatawa ko lang. Chix ampota.

"Baliw. Ayaw niya kasing mapagod si Trixie", sabi ko naman.

Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Seokjin] (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon